CHAPTER 78: Laro Ng Hari Sa Digmaan PATULOY ANG PAKIKIPAGLABAN nina Pinunong Kahab, Mira, Rama, Shem-shem, Mapo Nhamo at Claryvel sa mga mandirigmang habong sina Ayreen, Lelawa, Vehoo, Edhor, Treb at Lato. Hindi masabi kung sino ang nakakalamang sa laban. Lahat ay ibinibigay ang buong lakas. Bawat isa ay nais talunin ang kalaban para sa kanilang minimithing tagumpay sa nagaganap na labanan, mabuti laban sa masama. Sa kabuuan, sa nangyayari sa digmaan ay walang masasabing nakakalamang. Dahil kahit pa marami na ang nasawing habo ay malaki naman na ang naging pinsala ng labanan sa parteng iyon ng Ezharta. Ang mga gusali na malapit sa palasyo ay nagkasira-sira na. At may ilang inosenteng Ezhartan na rin ang nasawi. At marami na rin ang maituturing na bayaning sundalo’t mandirigma ng

