BOOK 2: CHAPTER 77

2774 Words

CHAPTER 77: Panlilinlang Sa Digmaan  MULING INILABAS NI Reyna Kheizhara ang kanyang gintong espada. Lumapit siya sa mga sundalong nasa ibaba at naghihintay lamang ng utos. Isang grupo ng mga sundalong nasa dalawang daan ang bilang ang inutusan niyang lumabas ng harang upang tumulong sa digmaan. “Darum, manatili lamang kayo rito,” utos ng reyna sa pangalawang pinuno ng mga sundalo ng palasyo. “Lalabas ako ng harang at makikipaglaban. Ipinagkakatiwala ko sa inyo ang palasyo kung sakali mang may habong makapasok sa harang.” “Masusunod, mahal na Reyna,” tugon ng sundalong diwata. “Malalaman ko naman kung may makakapasok sa harang na ginawa ko. At kung wala pa ako, patayin ninyo lahat nang mapaparitong habo.” Tumango si Darum sa huling sinabi ng kanyang reyna at hinarap nito ang bata-batal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD