CHAPTER 76: Mga Mandirigma Sa Magkabilang Pangkat Sa Digmaan NABALOT NA NG itim na ulap ang kalangitan. At ng takot ang buong kaharian. Sa paligid ng palasyo ay mas lumalakas na ang sigawan ng mga naglalabang mandirigma. Hindi masasabi sa kasalukuyang nagaganap na digmaan kung sino ang lamang na pangkat, ang kabutihan o ang kasamaan? ~~~ Tumigil sa pag-atake si Haring Hastro. Nagkatitigan sila mata sa mata ni Reyna Kheizhara. Napangiti ang hari. Dahil alam niyang nabahala niya at natakot ang buong kaharian dahil sa biglaan nilang paglusob at pagsimula ng digmaan. UMATRAS NA KAYO. HINDING-HINDI NINYO MAPAPASOK ANG AKING PALASYO! Narinig ni Hastro na sinabi sa kanyang isipan ng Reyna. Mas lumaki ang ngiti sa mukha ni Haring Hastro. NAHIHIBANG KA NA BA, KHEIZHARA? NARITO KAMI PARA ANG

