CHAPTER 58: Itim Na Kapangyarihan PINUNTAHAN NI BANGIS ang lawa kung saan alam niyang maaring naroon ang kauring atervhi na si Sarogway. Bumuo siya ng hangin na pumalibot sa kanya at tinungo niya ang ilalim ng lawa upang hanapin ang biglaang naglahong atervhi kanina sa labanan. Misteryo para sa lahat ang nangyari at wala pa rin malay si Nate. At ang mas pinag-aalala ni Bangis ay hindi niya maramdaman ang puwersa ni Sarogway. Sa kailaliman ng lawa, sa tagong kuweba ay natuton niya ang walang malay na atervhi. Nakahiga ito sa malapad na bato at may mga halamang pumuprotekta rito. May mga ilang nilalang sa ilalim ng lawa rin ang pumapaikot-ikot rito. Nagliliwanag ng kulay berde ang katawan ng atervhi ng lawa at ilog, liwanag na humihina nang humihina. Hinawakan ni Bangis ang noo ni Sarogwa

