CHAPTER 59: Bundok Ng Ziyala ~ NATE ~ NAGISING AKO NA sobrang init ng katawan ko, pakiramdam ko nag-aapoy ako. ‘Yong tipong puputok ako, na parang sasabog. Bumangon ako na pawis na pawis. Walang iba sa loob ng kuwarto kundi ako lang. Gusto kong isigaw ang pangalan ni Chelsa, ngunit ayaw kong gumawa ng eksena at ayaw ko siyang mag-alala. Natigilan ako nang maalala ko ang nangyari sa akin kanina sa laban namin ng diwatang babae na may kapangyarihang tubig. Pero totoo bang nangyari ‘yon? Nag-apoy ang mga pakpak ko at naramdaman ko rin na parang nag-aapoy ang buo kong katawan? Pinagmasdan ko ang aking mga palad. Dahil kanina, naglabas ito ng apoy na umatake sa aking kalaban. Napailing na lamang ako dahil paano ko nagawa ang bagay na iyon? s**t! Napaluhod ako. Mas tumindi ang init na n

