CHAPTER 60: Takot ~ SA ISLA NG DULOM ~ NASA IISANG LUGAR ang mga atervhi na tagapangalaga ng kalikasan ng Ezharta at ang isa ay may karamdaman. Nagsasagupaan ang mga atervhi. May matatalo at manghihina. Pagkakataon na ng puwersa ng kadiliman na malipol ang mga atervhi na siya nilang nais, ang makuha ang mga kristal na nasa pangangalaga ng mga ito. Sa tindi ng labanan, maaring magpakita ang maalamat na halimaw na anyo ng mga atervhi, kung saan sa katawan nila ay makikita ang mga kristal. O ‘di kaya’y paslangin na lamang ang mga ito kapag labis nang naghina upang makuha ang mga kristal na siyang makakagising sa dakilang maalamat na halimaw na Anawo Levih. Halimaw na maaring magwasak sa kaharian ng Ezharta maging sa iba pang kaharian sa mundo ng Anorwa! “Humanda ang lahat mangaso ng mga at

