BOOK 2: CHAPTER 61

2787 Words

CHAPTER 61: Muling Pangako ~ NATE ~ NIYAKAP AKO NI Chelsa matapos kong ikuwento sa kanya ang lahat. Wala akong itinago sa kanya maging ang tungkol kay Claryvel at sa nakaraan naming dalawa. At lalo na ang kapangyarihang itim na nasa loob ko. At maging ang mga pangamba at mga takot ko ngayon. Hinarap niya ako at hinawakan ang aking mga kamay. “Hinding-hindi kita bibitawan, Nate. Tulad nang hindi mo pagbitaw sa mga kamay ko noon sa kabila ng lihim ko tungkol sa aking pagkatao. At kahit pa may sumpa ako at nakatakda nang mamatay, hindi mo ako iniwan. Nanatili kang hawak ako, Nate. Tatapusin natin ‘tong magkasama. Mananalo tayo sa digmaan. Wawakasin natin ang kasamaan ng mga habo. Ililigtas natin sa kaguluhan ang kaharian ng Ezhrata at uuwi tayo sa ating mundo.” Tumango ako sa sinabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD