CHAPTER 71: Halimaw Na Atervhi ~ NATE ~ HINARAP NAMIN SI Karayo, pababa na siya ng lipad at kami naman ni Chelsa ay pataas. “Tulad mo, apoy rin ang kapangyarihan niya,” ani Chelsa. “At napakalakas ng puwersa ng kapangyarihang nararamdaman ko sa kanya,” ani ko. Katapat na namin si Karayo, pitong dipa ang layo namin sa kanya. Patabinging nakangiti siya na parang villain sa mga superhero movie. Lakas maka-anti hero. Ang laki pa naman niya at kalbo pa. At paitim na ang kulay ng balat. Ang kulay pula niyang baluti na pa-maroon na ay bakas na gawa sa napakatibay na metal na paulit-ulit pinanday. “Sana ay may lakas pa kayong natitira!” pasigaw na saad niya kasabay ng pagtawag niya ng kanyang masong sandata. Ang laki ng maso na siguro durog kapag tinamaan kami. O mapipit na paran

