BOOK 2: CHAPTER 54

3437 Words

Chapter 54: Pag-ibig At Paalam ~ SA PALASYO NG EZHARTA ~ ANG PAGDIRIWANG AY naging pagpupulong. At ang pagpupulong ay natapos sa pagdeklara ni Reyna Kheizhara ng takdang araw sa paglusob sa isla ng mga habo. Niyakap ko si Chelsa nang makapasok kami sa aming silid matapos maghiwa-hiwalay ang lahat. Nakaalis na rin ang lahat na bisita ng palasyo, bumalik na sila sa kani-kanilang bayan. "Ayos ka lang?" tanong ko. Hinaplos niya ang mukha ko nang kumalas kami sa isa't isa. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong, oo." "Ano bang iniisip mo?" pag-aalala ko. "Si papa, Nate," tugon niya. "Mula nang bumalik ang alaala ko, hindi na nawala sa isip ko si papa. Nate, wala na si papa. Pinatay siya ng mga habo upang buhayin ako..." Dumaloy ang luha sa mga mata niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD