CHAPTER 63: Ang Traydor BUMUNTONG-HININGA AKO. Nilingon ko ang mga kasama ko, lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin. Si Chelsa ay mukhang clueless sa biglang ginawa ko. Kasunod niya si Mapo Nhamo na katabi ko kanina. Sunod si Mira, Claryvel, Shem-shem, Rama, Pinunong Kahab at sina Lorienel, Lasarah, at Lyn-lyn. Muli kong hinarap ang reyna at nagsalita ako. “Hindi ako traydor!” pasigaw na sabi ko na buo ang loob upang ipaalam sa lahat ang aking katapatan. Nakakuyom ang mga kamay ko at diretsong nakatingin sa mga mata ng reyna ng Ezharta. Humakbang si Chelsa. “Hindi ako traydor!” sambit niya na buong loob din na ipinahayag ang kanyang katapatan. Nilingon ko siya. Tumango kami sa isa’t isa at muli naming hinarap si Reyna Kheizhara. Humakbang si Mapo Nhamo. “Tapat ako sa mahal na Rey

