Chapter 22 “Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na sumugod ka?” Gigil kong diniinan ang parteng may dugo sa labi niya. Pumutok iyon at bahagya na ang pamamaga. Naiisip ko tuloy na kung agaran silang inawat ay hindi na umabot sa ganito. Ayaw nilang magpatalo sa isa't-isa kanina. Kapwa sila galit na galit, parang may gustong patunayan. His face is now so near me kaya hindi ko mapigilang samyuhin siya. He smells like expensive musk. Pinigilan ko ang sariling mapapikit. “Aww!” Daing niya noong muli kong idiin ang bulak sa labi niya. Hindi pa siya umaray sa una. Umirap ako sa kanya. Tumayo ako at kumuha ng yelo sa refrigerator. He remained seated on the couch. Nakatanaw sa akin at hindi maipinta ang mukha, halatang malalim ang iniisip. “I'll call my grandfather. Sisiguraduhin kong matatanggal

