Chapter 24 Natapos ko na ang gawain kaya sumabay na ako kina Geneva at Melanie noong mag-uwian na. Isinabay pa ako ng huli sa kanyang sasakyan kaya mabilis akong nakarating sa bahay. “Parating na si April, ʼMa!” Boses iyon ni Auntie Julieta. “Sabihin mo at bilisan ang pagpanhik dahil may bisita ʼkamo siya!” Mga mata ng ilang kamag-anak at kapitbahay ang nakatuon sa akin pero binalewala ko iyon. Nilagpasan ko sila. Napangiwi ako nang malaman kung sino ang bisitang tinutukoy ng lola ko. “O! Nariyan ka na pala! Asikasuhin mo nga ang bisita mo at kanina pa ako nahihilo.” Sa sinabi niyang iyon ay humakbang agad ako. Nabasa niya siguro ang pag-aalala sa mukha, kaya muli siyang nagsalita. “Huwag kang mag-alala, pahinga lang ang katapat nito. Nahilo lang ako dahil ang daming bisita kanina.

