Nagising ako na puro puti ang aking nakikita sa buong paligid. Parang pakiramdam ko’y nasa langit na ako. Ngunit alam kong nasa hospital lamang ako. Bigla ko ring hinawakan ang aking braso na may benda dahil sa tama ng bala. Medyo masakit ang aking braso. Ngunit alam ko nang hindi ako mamatay dahil ginamot na ako. Mabuti na lang at naligtas ako ni Mr. Lucero. Kailangan kong mag-thank you rito. Paano pa kaya ako makakapunta nito kay Kent at magpapalit ng anyo ng mukha bilang Si Tulirok Kurakoy. Hindi naman ako puwedeng mabuko at baka ipakulong ako ng lalaki. Marahas tuloy akong napahinga ng malalim. Ngunit mabilis akong napalayo dahil sa malaking bato na bumasag sa bubog na dingding. Talagang shock ako at hindi ka agad nakapagsalita. Mayamaya pa'y nakita ko rin ang dalawang lalaki na mabil

