Hindi talaga ako makapaniwala na ama ‘yon ni Aclare. Hindi naman sila magkamukha, pati ugali nila ay magkaiba. Mag-ama ba talaga sila? Hindi talaga ako makapaniwala. Kakamot-kamot na lamang ako sa aking ulo. Mukhang may lihim ang dalawang ‘yon, ah! Bahala na nga sila! Agad na lamang akong lumabas ng Mall at nagmamadaling umalis. Nang may dumaang taxi ay mabilis akong sumakay at nagpahatid sa bahay ni Manang Ewelyn. Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang makita kong may nakasunod sa taxi na kung saan ako nakasakay ngayon. Sino kaya ang sakay ng dalawang van na ‘yan? Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Wala naman akong kaaway, ah? “Ms. Tayo po yata ang sinusundan ng dalawang van na ‘yan?” tanong ng driver. “Hindi ko po alam! Naguguluhan din po ako! Wala naman akong kaaway,” anas ko sa d

