(Aclare Pov) Agad akong yumapos sa lalaki na ama pala ni Ceje. Hindi ko alam kung ano’ng plano ni Ninang Minda. Ngunit alam kong magkakaroon kami ng pera. Aba sayang din naman! Hindi ko akalain na mayaman pala ang ama ng baliw na si Ceje Bril. Ngunit mukhang maganda ang plano ng Ninang Minda ko. Bago kami mabuko ay kailangan makakuha kami ng maraming pera sa ama ni Ceje. Naramdaman kong mahigpit akong niyapos ng ama ni Ceje. Tumingin ako kay Ninang. At kitang-kita ko ang magandang ngiti nito. Mukhang magkakaroon na kami ng pera. Upang hindi na magalit sa amin ang Daddy kong tunay. Talagang pinilit kong maiyak habang tinatawag ang salitang Daddy! Daddy! Daddy mo. Mabuti na lang at kayang-kaya ko ang umarte at magpatulo ng luha. “Minda, gusto kong ipakilala si Aclare sa aking mga anak

