Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa papel. Hindi ako makapagdesisyon nang maayos. Ngunit sa ano’ng dahilan? Bakit kailangan nitong ipalagay ang pangalan kong na Ceje Bril? “Ayaw mo bang ilagay ang pangalan ni Ceje? Mainipin akong tao, Tulirok. Baka hindi mo magustuhan ang aking gagawin oras na hindi mo sundin ang pinag-uutos ko sa 'yo!” Mariing sabi ng lalaki sa akin. Ilang beses muna akong napalunok. Hanggang sa kuhanin ko ang papel. Hindi ako makapag- react. Kung hindi ko susunod ang pinagagawa nito ay mawawalan ako ng trabaho habang buhay. Sayang ang perang ibinayad sa akin ng ama ni Kimelines. No choice ako kundi ang isulat ang pangalan ko sa papel. Nakatitig lamang ako sa blangkong papel. Ngunit muli akong tumingala kay Mr. Kent. “Hindi po ba ako makukulong nito oras

