Magkakasunod akong napalunok. Hindi ko alam kung ano’ng idadahulan ko sa mga tauhan ni Kent. Ngunit kailangan kong mag-isip ng maayos. Muli akong napatingin sa babaeng maharot at talagang kumindat pa ito sa akin. Talagang inaakit ako ng bruha. Akala naman nito ay maaakit niya ako. Magkakasunod muna akong napalunok. Hanggang sa mapatingin ako kay Mr. Kent. Mabilis akong umiwas ng tingin sa lalaki, paano ba naman umiinom ito ng alak ngunit nakatingin pa rin sa akin. My gosh! Hindi ko tuloy alam kung anong nilalaman ng utak nito. Parang kinikilatis nito ang mga galaw ko. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Pagkatapos ay agad kong inilayo ang kamay ng babae na balak hawakan ang aking hita. “Pasensiya na Ms. Ngunit may nobya na ako, ayaw kong magkaaway kami dahil sa ibang babae. Humanap

