(CEJE’S POV) Asar na tumingin ako sa hepe na kaharap ko ngayon! Ang sarap nitong sadyakan sa totoo lang. Hindi ako dinala sa kulungan, nandito lang ako sa opisina nito habang may posas ang mga pulsuhan ko. “Ms. Ceje Bril, huwag kang masyadong maingay, maghintay ka lang at parating ang taong magpapalaya sa ‘yo!” anas ni Hepe. Bigla tuloy akong kinutuban sa taong sinasabi nito. Mukhang alam ko na kung sino. Kaya pala kahit ano’ng paliwanag ko na wala akong kasalanan ay hindi ako pinakikinggan nito sapagkat may balak pala ito. Hindi rin ako dila sa loob ng silda dahil balak akong ibigay kay Kent Lucero. Agad tuloy akong tumayo. “Pupunta lang ako sa loob ng banyo! Baka naman puwedeng pakialis ng posas ko, Hepe,” anas ko sa lalaki. Hindi ka agad nagsalita ang lalaki. “Diyan ka na magb

