(OWEN’S POV) MARIIN KONG ikinuyom ang aking mga kamao. Hindi ko talaga matanggap na kayang patulan ni Kent ang sariling pinsan niya. . . Siguro kung nalaman ka agad ni Kent na pinsan nito si Ceje ay hindi magkakaganito ang lahat. Wala sana akong problema ngayon. Hanggang sa bigla akong tumingin sa aking pamangkin, ibang-iba ito kumpara sa kakambal nitong si Keb. Sa ugali pa lang ay malayong-malayo na silang dalawa. Ngunit handa akong magmakaawa rito o lumuhod sa harap nito alang-alang kay Ceje na aking anak. “Ano bang kailangan kong gawin, Kent? Sabihin mo lang, kahit lumuhod ako sa harap mo ay gagawin ko, hayaan mo na lang kami ng aking anak na si Ceje,” anas ko rito. Walang babala nga na lumuhod ako upang magmakaawa sa aking pamangkin. Nakikiusap talaga ang aking mukha rito. “I’m

