Dalawang araw ang nagdaan, mula nang biglang sumabog ang bomba sa aking harap na kinagulat ko. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang mga nalaman ko. Sobang sakit sa dibdib na dahil sa akin ay nakasira ako ng pamilya. Totoo naman na ako ang dapat sisihin sa mga nangyari. Hindi ko man lang inalam na may asawa na pala si keb. Dalawang araw tuloy akong nakahiga lamang dito sa kama. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Dalawang araw na rin na hindi pumupunta rito si Kent. Saka, ano’ng gagawin niya sa aking kwarto, eh, palabas lang ang lahat. Saka, ramdam ko rin ang galit ng lalaki sa akin. Simpre, mahalaga rito ang pamangkin nito at ang hipag. At ang totoo ay wala naman akong halaga kay Kent. Masakit isipin, ngunit totoong wala akong halaga rito. Tama rin naman ito, hindi nit

