(CEJE’S POV) Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng kwarto ni Kent. Ngunit dinig na dinig ko ang malalakas na putok ng baril. Ang sabi ni Oreb ay pinasok ng kalaban ang bahay ni Kent. Bigla kong naalala ang ibang mga kasambahay. Sanay, okay lang sila. Gusto ko sanang sumilip sa bintana ngunit hindi ko nakikita ang mga nangyayari sa labas. Hanggang sa bigla akong tumalsik dahil sa malakas na pagsabog. Kitang-kita kong nagliliyab ang bintana ng kwarto ni Kent. Talagang pinasabog ito ng mga kalaban ng lalaki. Kahit masakit ang aking likuran dahil tumama ako sa pader ay nagpalit pa rin akong tumayo. Nang tingnan ko ulit ang bintana ay mas lalong lumaki ang apoy. Ngunit muli akong nagulat dahil sa malakas na namang pagsabog at talagang gustong maging abo ang buong kwartong ito. Hayop!”

