Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung baliktad ang utak nito. Sobrang nasasayangan talaga ako sa aking mga gamit, saka mga binili ko 'yon, kaya sobrang sakit sa akin na basta na lang pakawalan. Kaya naman kahit masakit ang sugat ko sa tagiliran ay dali-dali akong lumapit sa mga mini skirt ko. Subalit mas mabilis tumayo si Kent at agad akong hinarang. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin at naroon din ang pagbabanta ni Kent. “Subukan mong kuhanin, Ceje!” pagbabanta ng lalaki sa akin. “Ano bang problema mo, saka mga gamit ko ‘yan, bakit kailangan mong pakialaman, Mr. Lucero. Sayang ang perang pinambili ko!” gigil na sabi ko sa lalaki. Ngunit nagulat ako nang hawakan nito ang aking panga ng mahigpit. “Ito ang tandaan mo! Habang mag-asawa pa tayo, lah

