(CEJE’S POV) Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib ng mga oras na ito. Habang nandito ako sa loob ng kisame ng bahay ni Kent Lucero. Walang katiyakan kung makakalis ba ako rito ngayon o hindi. Ngunit naririnig kong nagkakagulo sa labas at pinahahanapa ako ni Kent Lucero sa mga tauhan nito. Gosh! Tagaktak na rin ang pawis ko sa aking noo. May tatlong oras na akong nakatago sa rito sa loob ng kisame. Mabuti na lang at may daan papunta rito. Ngunit kailangan ko nang umalis dito. Lalo at walang pumasok na hangin dito sa loob. Hanggang sa maingat akong gumapang papunta sa maliit na butas. Sa loob ng banyo ang bagsak ko. Walang kahirap-hirap kong naalis ang takip na bakal. Pagkatapos ay maingat kong inilabas ang aking katawan. Muli kong ibinalik ang takip sa bukas nang lumapat ang aking paa

