Magkakasunod akong napalunok, paktay ako sa lalaking ito. Baka hampasin din ako ng vase ng lalaki. Bigla tuloy akong napaurong dahil sa takot kay Kent. Ngunit mabilis nitong hinawakan ang aking kamay nang mahigpit. “Hindi mo gagamotin ang sugat ko na ikaw mismo ang may gawa, Ceje! Aalis ka na lang ba?!” mariing sabi ng lalaki sa akin. Hindi tuloy ako nakapagsalita. TEKA, hindi ba siya gaganti sa akin? Ilang beses tuloy akong napakurap at may pagtataka sa aking mukha. Nakitang kong tumalikod si Kent para lumapit sa harap ng cabinet. Napansin kong may kinuha itong medicine box. Pagkatapos ay agad na inabot sa akin. Kahit kabadong tinanggap ko ang medicine box. Sumunod ako sa lalaki papunta sa aking kama. Agad itong humiga. Ngunit napansin kong tumingin muna sa aking mga mata si Kent. Pagka

