(OREB’S POV) Kakamot-kamot ako sa aking ulo nang lumabas ng opisina ni Lord Kent. Ano kayang problema noon? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, tinanong ko lang kung bakit pawisan, binigyan ko lang din ng panyo, aba'y nagalit ka agad? Talagang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago, pabago-bago pa rin ang mood. Iiling-iling na lamang na lumabas ako ng gusali. Sa kotse na lamang ako naghihintay kay Lord Kent. Tatawag naman ako ng Secretary ni Lord kapag mag kailangan o ipag-uutos ito sa akin. Ngunit bigla kong naamoy ang pagkaing niluluto sa karenderya na malapit lang dito sa building na pagmamay-ari ni Lord Kent. Dali-dali akong humakbang papalapit doon at tuluyan na akong ginutom. Tuloy akong pumasok sa loob ng karenderya agad akong bumili ng pagkain ko at naghanap n

