I Will Kill You, Woman

1433 Words
Panay lang ang agos ng aking luha bahang nakatingin sa bahay ng tiyahin ko. Halos may isang oras na akong nakaluhod dito sa bungin. Naramdaman ko na rin ang sakit ng aking mga tuhod, kahit na sabihin pang nakasuot ako ng pantalon ay damang-dama ko pa rin ang sakit ng maliliit na bato. Hanggang sa bigla akong napatingin sa kalangitan, kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang unti-unting pagdilim. Mukhang babagsak na ang malakas na ulan. Ang tanging dasal ko na lang ay makaramdam din si tiya Minda ng kahit kaunting pagmamahal sa akin. Pamangkin din naman niya ako. Ngunit muling nagdaan ang isang oras. At tuluyan na ring bumagsak ang malakas na ulan. Kasabay ng pag-agos ng aking luha sa mga mata. Ngunit bigla akong nabuhayan ng loob nang bumukas ang pinto ay iniluwa si tiya Minda. May dala-dala itong timba. Hanggang sa lumapit ito sa akin habang nakapayong. “Pasalamat ka, Ceje. Dahil may ipag-uutos ko sa ‘yo. OH! Ipag-igib mo ako dahil maliligo ako. Bilisan mo!” Sabay hagis ng timba sa akin. Hindi ako nakailag kaya sumapol sa aking mukha ang timba. Hindi naman ako nagreklamo dahil ang isa sa ayaw ng tiya Minda ay palaging magrereklamo. Baka tuluyan na niya akong palayasin sa bahay nito. Kung papalayasin ako saan naman ako pupunta, si tiya lang ang nag-iisang kamag-anak ko rito sa Isla Canar. Baka ang labas ay sa basurahan ako matulog, walang makain. Ngunit alam kong magbabago rin ang tingin ni tiya Minda sa akin. Kapag nakita nito ang halaga ko. Malungkot na lamang akong tumingin sa likuran ng tiyahin ko na ngayon pumasok sa loob ng bahay. Agad naman akong lumiko papunta sa poso para mag-igib ng gagamitin ni tiya Minda sa paliligo nito. Hindi ko ininda ang malakas ng ulan. Nang mapuno ko ng tubig ang dala-dala kong timba ay agad ko itong binuhat para dalhin sa loob ng banyo. Hanggang sa mapuno ko ang malaking water drum. Subalit muli akong bumalik sa poso. Dahil dito ako maliligo. Hindi naman nagtagal ang paliligo ko rito lalo at nilalamig na ako. Mabilis akong pumasok sa loob ng maliit kong kwarto para maglagay ng damit sa aking katawan. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok ko nang marinig kong tinawag ako ni tiya Minda. Dali-dali akong lumabas para harapin ito. “Maghugas ka ng mga plato, pagkatapos ay matulog ka na. Pasalamat ka’t tinirhan pa kita ng kanin ay itlog. Sige na, kumain ka na roon!" Balak ko na sanang humakbang nang magsalita ang tiya ko para tawagin ako. “Siya nga pala Ceje, nakikila mo ba ang taong nakabangga sa ‘yo? Mayaman ba siya?” tanong sa akin ng tiyahin ko na pinagtataka ko naman. "May kotse po siya, tiya Minda. Ngunit hindi ko po namukaan. Pero natandaan ko po ang kulay ng kotse niya—” “Mabuti naman kung ganoon, ang gawin mo bumalik ka bukas sa lugar na kung saan muntik ka nang mabangga. Kung makita mo siyang muli ay magpadagdag ka ng sampung libo. Hindi naman puwedeng tatlong libo lang, samantalang ay nasaktan ka. Kung magagawa mo ‘yon ay baka matuwa pa ako sa ‘yo, Ceje!” Agad na umalis sa aking harapan si tiya Minda. Ngunit panay ang bilin nito na kailangan sampung libo ang hingin ko sa lalaking muntik na akong mabangga. Hindi nga ako nakapagsalita, nakatingin na lamang ako sa likod ng tiyahin ko nga ngayon ay papasok sa loob ng kwarto nito. Iiling-iling na lamang akong humakbang papunta sa munting kusina. Wala kasi akong masabi. Pagdating sa kusina ay agad akong lumapit sa kaldero at agad kong binuksan ang takip. Nakita kong maraming kanin ang itinira ng tiyahin ko. Malaki rin ang itlog na tinira nito sa akin. Himala nang mga himala, ngayon lang ako tinirhan ng ulam na malaki. Nagkibit balikat na lamang ako at nagsimula ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay agad akong naghugas ng plato. Bago pumasok sa aking kwarto ay nag-toothbrush na rin ako. Napansin kong lalong lumakas ang ulan sa labas ng bahay. Nakakatamad tuloy lumabas ng bahay. Balak ko sanang kumuha ng kangkong. Siguro ay bukas na lamang? Aagahan ko na lang ng gising bukas. Pagbagsak na lamang akong nahiga sa maliit na papag. Kinuha ko rin ang kumot para Ilagay sa aking buong katawan. Dahil masakit ang Katawan ko ay agad akong nakatulog. Sumapit ang kinabukasan. Maaga akong umalis ng bahay kanina para kumuha ng kangkong para dalhin sa may-ari ng karenderya. Napatingin na lamang ako sa mga kangkong na ilalako ko. Sana lang ay bilhin itong lahat ng may-ari ng karenderya. Mayamaya pa’y agad na rin akong umalis. Hindi naman kalayuan ang karenderya kaya mabilis lang akong nakarating. Sobrang natuwa ako dahil biniling lahat ng babae ang dala-dala kong kangkang. Bago ako umalis dito sa loob ng karenderya ay nagbilin pa sa akin ang may-ari ng karenderya na sa lunes ko raw siya dadalhan ulit. Talagang natuwa ako dahil may suki na ako ng mga paninda ko. “Ceje!” Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Walang iba kundi si Kimelines. Dali-dali itong lumapit sa akin. “Mabuti na lang nakita kita. Halika samahan mo ako. May kakatagpuin ako. Si Itay kasi, ako ang inutusan na magdala ng mga halaman sa taong kausap nito!” pagmamaktol ni Kimelines. Bilang naman akong napatingin sa dala-dala nitong bayong na may laman sa loob na dalawang halaman. Saan kaya ibebenta ‘yon? Ang tatay kasi ni Kimelines ay nagtatanim ng mga halaman. May nga bumibili sa mga ito na malalayong lugar. Napangiti na lamang ako nang hilahin ako nito para umalis na. Hindi na lamang akong tumutol pa. “Teka, bakit sa kakahuyan tayo pupunta? Taga roon ba nakatira ang bibili ng mga halaman na dala-dala mo?” tanong ko sa aking kaibigan. “Oo, kilala mo ba si mang Berting? Siya ang bibili nito. Sabi ni Itay malaki raw ‘yon kung magbayad. Sobra-sobra raw.” Marahan lamang akong tumango. Ngunit bigla kaming napahinto sa paglalakad nang masalubong namin ang mga armadong lalaki. Napatingin din ako sa bahid na dugo sa mga damit nila. Diyos ko po! Para kaming tuod ni Kimelines. Talagang hindi kami nakakilos. “Dalhin ang dalawang babaeng ‘yan at lagyan din ng piring mga mata nila. Kuhanin ang halam at alamin kong nasa loob ang hinahanap natin!” anas ng isang lalaki. . “Teka lang po muna, wala kaming kasalanan sa inyo---” Ngunit parang mga bingi ang mga ito. Wala kaming nagawa ni Kimelines, lalo at mas malakas sila kaysa sa amin. Walang kahirap-hirap na nalagyan kami ng takip sa mg mata namin. Mahigpit akong hinawakan at naramdaman kong isinakay kami sa sasakyan. Abot-abot ang kaba ng aking dibdib. Baka rito na ako mamatay. Hindi nagtagal ay bumaba kami ng sasakyan, lumakad ng saglit. Pagkatapos ay narinig kong bumukas ang pinto. Medyo kabado ako lalo at hindi ko naririnig ang boses ng kaibigan ko. “Who is she?” “Lord, nakita naming pupunta sa bahay ni Mang Berting. Baka isa sila sa mga kakampi ni Berting. ‘Yung kasama niya, nasa bartolina.” Nangingig ang mga tuhod ko dahil sa takot. Ngunit naramdaman kong may humawak sa akin. Nadama kong pinaupo lang ako. Ngunit parang itinali ako sa upuan. Hanggang sa biglang alisin ang takip sa aking mga maga. Mabilis kong iminulat ang mata ko. Ngunit una kong nakita ay baril. Parang tatakasan ako ng dugo sa aking katawan. Diyos ko po! Ngunit parang tatakas ang kaluluwa sa aking katawan nang itutok sa akin ng lalaking nakasuot ng salamin ang hawak nitong baril. “Lord, mukang isa siya spy ni Berting,” bigla sabi ng lalaking may baril sa beywang. “Teka lang po. Hindi naman ako mukhang spy. Saka nagtitinda lamang ako ng kangkong. Paano ako naging spy?” anas ko, kahit sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Tumingin ako sa lalaking may hawak ng baril at nakatutok pa rin sa akin. May suot itong shades. Gwapo sana ito kaso balak akong patayin. “Just make sure, you’re not related to Berting. Malaman ko lang na nagsinungalin ka, I will kill you, woman!” Hindi ka agad ako nakapagsalita. Takot na takot talaga ako rito. "Can you hear me?" "O-Opo. Narinig ko. Totoo po ang mga sinabi mo, wala po kaming connection ni Mr. Berting--" Hindi nagsalita ang aking. Ngunit malalaki ang hakbang nito habang papalapit sa akin. Mas nagulat ako nang hawakan nito ang aking panga. At inilapat ang dulo ng baril sa aking mukha. Sobrang takot na takot ako. Pakiramdam ko katapusan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD