Tatlong Libo!

1601 Words
Bigla akong natakot sa boses na ‘yon. Dali-dali tuloy akong tumayo at agad napakayuko-yuko. Hindi talaga ako tumingin sa mukha ng lalaki. Boses na lang nito ay nakakatakot na paano pa kaya ang mabagsik na mukha nito, aba! Baka mahimatay ako. “Pasensiya na po kung nakaharang ako sa daraanan ng kotse ninyo. Patawad po!” Nakayukong sabi ko sa harap ng lalaki. “Move!” Singhal ng lalaki. Parang nalito ako sa sinabi nito. Ngunit mas na shock ako nang hawakan niya ang aking pulsuhan para alisin sa aking pwesto. Agad din nitong binitawan ang pulsuhan ko. Pagkatapos ay dali-dali itong umalis sa aking harapan. “Diyos ko po! Ang plangganita, basag na, ano’ng gagawin ko?! Malalagot ako kay tiya Minda nito!” bulalas. Dali-dali akong lumapit sa plangganita ko na ngayon ay butas na. Nagkalat din ng mga paninda kong kangkong. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ano’ng gagawin ko? Baka hindi lang sampal o sabunot ang aking maranas kay tiya Minda. Baka palayasin na ako o habulin ng itak. “Take this!” Nagulat ako sa boses na ‘yon. Ngunit mas nabigla ako sa perang inabot sa akin. Ngunit biglang kumunot ang aking noo nang mapansin ko ang tattoo sa pulsuhan ng lalaki. Hugis dragon ito. Matagal ko tuloy tinitigan ang tattoo. Kaya lang namalayan ko na lang na nasa lupa na ang tatlong libong piso na galing sa lalaking ‘yon. Hindi talaga ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung kukuhanin ko ba ang pera lalo at ngayon lang ako nakahawak ng tatlong libong piso. Ano bang gagawin ko? Mabilis naman akong lumingon ngunit tuluyan nang sumakay ng kotse ang lalaki. Dali-dali ko tuloy dinampot ang tatlong libo. Mabilis akong tumakbo para habulin ang kotse na ngayon ay pumasok sa loob ng malaking gate. Ngunit hindi ko na ito nahabol. Bigla tuloy akong napatingin sa perang hawak ko. Totoo kaya na ibinigay ito sa akin ng lalaking ‘yon? Dali-dali ko tuloy itinago ang pera. Isa-isa kong dinampot ang mga kangkong. Ngunit bigla akong napatingin sa malaking gate. Nakita kong lumabas mula sa loob ang isang lalaki at may dala-dala itong plangganita na katulad ng sa akin na nasira. Medyo bago lang ang hawak na plangganita nito kumpara sa akin. Awang naman ang labi ko nang isa-isa na pinulot ng lalaki ang kangkong pagkatapos ay lumapit ito sa akin at inabot sa akin ang hawak na plangganita. “Umalis ka na rito, Ms. Iyon ang utos ng lord ko!” mariing sabi nito. Kumunot ang aking noo. Akala ko, ito na ‘yong nagbigay ng tatlong libong piso sa akin kanina. Saka napansin ko na wala itong tattoo sa pulsuhan nito. Tauhan siguro ito. Kahit hindi ko nakikita ang mukha ng lalaking nagbigay ng pera sa akin ay alam kong malakas ang dating nito. “Salamat po—” Mabilis akong yumuko. Ngunit hindi na ako pinansin ng lalaki. Agad na kasi itong tumalikod para muling pumasok sa loob ng malaking gate. Siguro ang lalaking nagbigay ng pera sa aking ang siyang may-ari ng malaking bahay na ‘yon. Isang buntonghininga na lamang ang aking ginawa bago ako tuluyang umalis. Habang naglalakad at naglalako ng kangkong ay panay ang linga ko sa buong paligid. Nakita ko ang isang karenderya. Bigla akong napahinto sa paghakbang. Bumili kaya ako ng pagkain doon. Minsan lang naman akong kumain. May pera namang binigay sa akin ang lalaking ‘yon. Malalaki tuloy ang aking hakbang papasok sa loob ng karenderya. Bumili ako ng pagkain na gusto ko. Ngayon lang ako makakakain ng masarap, simula noong bata ako ay mas lamang ang tubig at asin ang ulam ko. Umabot na ako ng labing walong taong gulang ay walang nagbago sa aking ulam. Ngayon lang akong makakakain ng masarap. Natuwa rin ako dahil binili ng may-ari ng karenderya ang lahat ng dala-dala kong kangkong. Siguro naman ay matutuwa na sa akin si tiya Minda. May pang sugal na siya. Hanggang sa tumingin ako sa kare-kareng ulam ko. Lalo akong nakaramdam ng gutom kaya agad ko itong nilantakan. Kahit hindi na ako kumain ng tanghalian dahil busog na naman ako. . Hindi naman nagtagal ay tuluyan akong nakatapos kumain. Agad akong naglakad papalabas. Ngunit bigla akong napahinto sa paghakbang ko nang tawagin ako ng may-ari ng karenderya. Bigla akong natuwa nang sabihin nito na dalhan ko ulit siya ng kangkong bukas ng umaga. “Sige po, babalik po ako rito bukas.” Ang ganda ng aking ngiti nang tuluyan akong lumabas ng karenderya. Pagdating sa bahay namin ng tiyahin ko ay nagulat ako dahil naghihintay pala ito sa akin. Bigla akong kinabahan sa klase ng tingin nito sa akin. “Ceje, may nagsumbong sa akin na pumasok ka sa loob ng karenderya. Ano’ng ginagawa mo roon? Inubos mo ba ang perang pinagbintahan mo ng kangkong, sagot!” sigaw ng tiyahin ko at galit na galit sa akin. “Tiya, hindi ko po ibinili ang pera. Heto po ang pera. Ang totoo po niyan inubos po ng may-ari ng karenderya ang tinda kong kangkong. Pinababalik ako bukas para dalhan po siya ulit ng kangkong—” tudo paliwanag ko sa babae. Agad akong lumapit sa harap nito at mabilis kong inilagay ang pera sa palad ng tiyahin ko. Subalit kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang biglang pagkunot ng noo ni tiya Minda. Lalo naman akong natakot dito. Ngunit kailangan kong magpaliwanag sa babae upang hindi ako saktan nito. “Ang sabi ng anak ni Mareng Malaya, ay nakita ka raw kumakain sa loob ng karenderya, saan galing ang pera mo? Kinukupitan mo ba ako, Ceje?!” malakas na sigaw ng tiyahin ko. Mabilis akong napaurong. Sa itsura ng mukha ng tiyahan ko ay kitang-kita ko ang galit nito sa akin. Alam kong ano mang oras ay susugod na ito papalapit sa akin. “T-Tiya Minda, kahit kailan po ay hindi ako nangupit ng pera sa 'yo. Maniwala ka po.” Halos maiyak ako habang nakikiusap sa aking tiyan na huwag akong saktan. “Sinungalin!” At buong lakas akong sinampal, sobrang bilis nitong nakalapit sa akin. Pagkatapos ay agad nitong ipinasok ang isang kamay nito sa loob ng bulsa ng aking lumang pantalon. “May pera ka? Saan galing ang perang ito? Ito ba ang kinupit mo sa akin, Ceje?!” Sabay hila nito sa aking buhok at ramdam ko ang sakit ng anit ko. “Tiya Minda, maniwala ka po, hindi ako nangupit. Galing sa isang lalaki ang pera na ‘yan. Muntik na po niya akong mabangga kanina, heto nga po may sugat ako sa aking siko!” At pilit na pinapakita rito ang sugat sa aking siko. Huminto naman ito sa paghila sa aking buhok. Tiningnan din nito ang aking siko na ngayon ay may bahid pa na dugo. Ito kasi ang na unang dumiin sa lupa nang matumba ako. “Magkano ang ibinigay na pera ng lalaking muntik nang makabangga sa ‘yo, Ceje?!” Galit pa ring tanong sa akin ng tiyahin ko. “Tatlong libong piso po, tiya Minda—” “Tatlong libo? Bakit kulang ito ng dalawang daang piso? Nasaan ang kulang, Ceje?!” “G-Ginutom po ako tiya Minda. Kaya kumain po ako sa karenderya---” “Ang tanga mo! Ito na lang ang maibibigay mo sa akin, binawasan mo. Aba! Ang sosyal ka, sa karenderya ka pa kumain. Bobo ka talaga, Ceje!” At muli akong sinampal nito. Talagang pumaling ang mukha ko papunta sa kanan. Pakiramdam ko’y sobrang kapal ng dalawang pisngi ko dahil sa malakas na pagsampal sa akin. “Tiya Minda, patawad po—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang muli niya akong hilahin sa akinh buhok. “Sinayang mo ang two hundred pesos. Akala mo anak mayaman ka. Wala ka talagang kwenta. Kung alam ko lang na magiging pabigat ka sa akin, dapat noon pa lang pinatay na kita. Puro kamalasan na lang ang binigay mo sa akin. Dapat sumama ka lang sa nanay mo sa ilalim ng lupa!” Sabay tulak sa akin dahilan kaya natumba ako sa lupa. “Patawad po! Hindi na po mauulit--!” Hagulhol na iyak ko. Hindi ako makatayo dahil ang sakit ng pang-upo ko, sobrang lakas nang pagkakatulak sa akin ng tiyahin ko. Isabay pa ang sakit ng ulo ko dahil halos bunutin ng tiya ko ang aking buhok. Hindi rin maampat-ampat ang luha sa aking mata. Ngunit lalo akong natakot nang kuhanin nito ang isang mahabang stick. Pagkatapos ay nagmamadaling lumapit sa akin ang tiyan Minda ko. At basta na lang akong pinaghahampas sa aking buong katawan. “Magtanda ka Ceje. Huwag kang tanga! Tatlong libo na lang ang maiaabot mo sa akin, binawasan mo. Halika rito, dahil hindi pa tayo tapos!” Sabay hila nito sa aking buhok papunta sa buhangin. Pilit niya akong pinaluluhod sa buhanginan. Wala akong ibang pagpipilian kundi ang sundin ang pinag-uutos nito. “Tiya Minda, maawa ka po, hayaan ninyo, babayaran ko po ang dalawang daang piso na aking nagamit, huwag ninyo po akong paluhurin dito sa bungin!” umiiyak na pakiusap ko sa tiyan ko. “Hindi --- Ang gusto ko ay lumuhod ka riyan upang magtanda ka, Ceje. Aalis ka lang diyan kapag sinabi ko!” Dali-dali na itong umalis sa aking harapan at pumasok sa loob ng bahay. Mas lalo namang namalisbis ang luha ko sa mga mata ko. Naisip ko tuloy, sana ay isinama na lang ako ng aking Ina. Namatay na lang sana ako upang hindi na ako maghirap sa kamay ng tiyahin ko. Dati mo naman gusto ng mamatay! Hindi naman ako mamatay-matay. Bigla akong na-strass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD