Nasundan ko na lang ng natingin ang pintong nagsara. Parang gusto kong maiyak dahil muli na naman akong matutulog dito sa labas ng bahay. Hay! Bakit ba hindi na ako masanay, eh, palagi naman itong nangyayari sa akin lalo na kapag nakakagawa ako ng kasalanan kay tiya Minda.
Minsan nga dalawang araw akong natutulog dito sa labas ng bahay. Kahit ano’ng pagmamakaawa ko rito ay hindi naman ako pinapansin ng tiyahan ko. Para bang hindi pamangkin ang turing nito sa akin. Malungkot tuloy akong napahinga. Pagkatapos ay dahan-dahan na lamang akong humakbang papalapit sa malaking puno para maupo sa ilalim noon.
Bigla ko ring nahawakan ang aking tiyan dahil gutom na ako. Ngunit hindi ko puwedeng kulitin si tiya Minda na papasukin ako sa loob ng bahay. Baka lalo akong hindi papasukin. Ang malas naman ng araw ko. Wala na nga akong handa ngayong kaarawan ko, dito pa ako matutulog sa labas ng bahay. Gamit ang dalawang kamay ay niyapos ko na lang ang aking sarili. Ito lang ang tanging paraan upang maibsan ang lamig ng aking nararanasan.
Nang magising ako kinabukasan ay nagulat ako sa malamig na tubig na binuhos sa akin. Pupungas-pungas tuloy akong nagmulat na mga mata. Ngunit mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo ako nang makita ko ang mukha ng tiyahan ko.
“Hindi ko alam kung tanga ka ba o bobo, Ceje? Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagsasaing, huh? Alam mong may pupuntahan ako ngayon!” Halos magbuga ng apoy ang mga mata ng tiyahin ko habang nakatingin sa akin.
“Pasensiya na po, tiya Minda. Heto na po magsasaing na po ako.” Agad akong umalis sa harap ng tiyahin ko pumasok sa loob ng bahay. Halos madapa-dapa ako nang pumasok sa loob ng kusina. Hindi ko ininda na basa ang buong katawan ko. Kailangan ko munang magsaing at baka saktang na naman ako ng tiyahin ko.
Kahit nasa labing walong taong gulang na ako ay grabe pa rin akong saktan nito. Hindi naman ako makapalag dahil tiyak na papalayasin ako ng tiya Minda. Wala naman akong ibang mapuntahan dahil si tiya lang ang tanging kamag-anak ko rito.
Pinsang buo ito ng Nanay ko. Hindi ko alam kung sino ang aking ama. Ang sabi kasi ng tiya Minda ay umuwi si Inay rito na buntis na. Dati raw magtrabaho ang aking Ina sa lunsod. Hindi naman sinabi ng aking Ina kay tiya Minda kung sino ang totoong ama ko. Mula nang isilang ako ay hindi ko na nakita ang aking Ina. Namatay raw si Inay sa panganganak sa akin. Dahil din sa kakulangan sa pera kaya hindi nadala si Inay sa hospital at sa bahay lang ito nanganak, kaya si tiya Minda na ang nag-alaga sa akin.
Kapag nagagalit sa akin si tiya ay palagi nitong sinusumbat ang pagpapalaki nito sa akin. Sinasabi rin nito na sana ay sumama na lang ako sa aking ina noong namatay ito dahil pabigat lang daw ako sa kanya. Masakit ang mga binibitawang salita ng tiyan ko. Ngunit wala akong choice kundi ang tanggapin ‘yon.
Huminto na rin ako pag-aaral ko. Hanggang sa grade six lang ako. Palagi kasing sinasabi ng tiya ko na sana raw ay sumama na lang ako sa aking Ina dahil wala raw akong silbi. Kaya parang dinidurog ang aking puso sa mala-latigong sumbat sa akin ng tiyahin ko, ngunit tiiniis ko ‘yon. Tanging patagong pagluha na lamang ang aking ginagawa.
“Ceje, ano tapos na ba? Gutom na ako. Alam mo bang kanina pa ako hinihintay ng mga kasamahan ko sa pagsusugal. Kaya ang natatalo ay dahil sa ‘yo. Kahit kailan ay salot ka sa buhay ko Peste ka!” Sigaw ng aking tiyahin.
“Ma-Magluluto na po ako, tiya Minda—” Kabadong sagot ko rito. Ngunit bago ito umalis sa aking harapan ay basta na lang nitong hinila ang buhok parang nadala ang aking anit.
“Umayos ka, Ceje. Huwag kang tatanga-tanga. Naku! Kapag talaga may maghahanap ng mga babae ay ibebenta talaga kita kahit magkano lang na halaga!” bulyaw sa akih ng tiyahin ko bago ito umalis sa aking harapan.
Tanging pagpatak ng luha na lang ang aking nagawa. Ngunit mabilis kong pinahid ang mga luha ko sa mga mata ko nang marinig ko ulit si tiya Minda. Ipaghain ko na raw ito. Dali-dali kong sinunod ang pinag-uutos nito sa akin. Nang lumapit ako sa harap ng munting lamesa ay nakita ko roon ang isang pirasong isda. Hindi na ako magtatanong kung kanino ‘yon o kung sino ang kakain. Dahil kay tita Minda lamang ‘yon. Halos hindi ako nito binibigyan ng ulam. Ang kalimitang ulam ko ay tubig asin. Swerte na kung may asukal dito sa bahay kaya ‘yon ang ulam ko minsan.
“Siya nga pala, Ceje. Magbenta ka ng kangkong. Nandoon na sa labas ang ibebenta mo. Ipaubos mo ‘yon lahat dahil kailangan ko ng pera mamayang alas-kwatro ng hapon.”
“Opo, tiya Minda.” Nakayukong sabi ko. Agad aking tumalikod para pumunta sa kusina. Ngunit bigla akong napahinto sa paghakbang ko nang muli akong tawagin ng tiyahin ko.
“Hanggang ngayon, hindi mo pa rin alam ang mga dapat mong gawin kapagkakain ako? Bobo ka ba talaga, Ceje?” Hindi na ano nagsalita. Dali-dali kong kinuha ang pamaymay pagkatapos ay mabilis akong lumapit sa gilid ng tiyan ko at sinumulan ko itong paypayan. Sanay na rin ako rito. Palagi ko itong ginagawa kapag kakain na ito ay papaypayan ko ito dahil naiinitan daw ito. Ayaw naman nitong ilabas ang electric fan nito dahil tataas daw sa kuryente ko. Sa gabi lang ito gumagamit ng fan. Kapag tanghali ay hindi na, ako ang tinatawag nito para paypayan ko siya.
Hindi ako puwedeng magreklamo na pagod na sa kakapaypay dahil sipa ang aabutin ko rito. Medyo nakakapagpahinga lamang ako sa pagpaypay kalag nakakatuloy na ito. Ngunit kapag alam kong gigising na ito ay dali-dali ko ulit iyon pinapaypayan.
Mayamaya pa’y agad na ring tumayo ang tiyahan ko. Pagkatapos ay mabilis itong umalis sa aking harapan. Ngunit panay ang bilin nito sa akin na magtinda na ako at ipapaubos ko raw ang mga kangkong.
Isang malalim na buntonghininga ang aking ginawa. Pagkatapos ay dali-dali akong kumuha ng kanin sa loob ng kaldero. May dalawang kutsara pa naman ang natira. Nagbulos pa kasi ng kanin si tiya Minda kaya ito na lang ang natira sa akin. Mabuti nga at tinirhan ako. Minsan kasi ay inuubusan ako kapag napapasarap ang kain nito.
Agad ko ring kinuha ang tubig asin para ito ang ulam ko. Siguro ay iisipin ko na lang na letchong manok ang aking ulam. Ang mahalaga ay mabusog ako. Hindi ko na iisipin na wala akong ulam.
Nang matapos akong kumain ay agad kong hinugasan ang mga pinagkainan ko. Naglinis na rin ako ng buong bahay. Magagalit si tiya Minda kapag makalat ang buong bahay. Pagkatapos kong maglinis sa loob at labas ng bahay namin ay saka naman ako pumasok sa loob ng banyo para maligo. Natuyo na lamang ang damit ko sa aking katawan.
ILANG sandali pa’y muli akong lumabas ng maliit na banyo. Dali-dali na akong naglagay ng damit sa aking katawan. Hanggang sa nagmamadali na akong umalis dito habang sunong-sunont ko ang maliit na plangganita na naglalaman ng kangkong na ibebenta ko.
“Kangkong bili na kayo! Murang-mura lamang!” malakas na sigaw ko. Bigla naman akong napatingin sa babaeng tumawag sa akin dahil bibili raw ito ng kangkong. Kilala ko ang babaeng ito. Isa itong mayordoma sa pinakang mayaman angkan dito sa Isla Canar.
“Naku! Hija, tamang-tama at dumaan ka. Kanina pa naghihintay sa ‘yo kung dadaan ka. Tinatamad kasi akong pumunta sa palengke. Bentahan mo nga ako nga limang tali na kangkong. Limang piso pa rin ba ang isang tali niyan?” tanong sa akin ng mayordoma.
“Opo, ganoon presyo pa rin po.”
“Oh! Siya, heto ang bayad ko!” Ngunit nakita kong isand daang piso ang inaabit nito sa akin.
“Manang, wala po akong barya, wala pa po kasi akong benta—”
“Naku! Sa ‘yo na ang sukli. Itabi mo, hija. Huwag mong ibigay sa tiyahin mong sugarol—” Pagkatapos ay dali-dali na itong umalis sa aking harap. Hindi na ako nakapagsalita. Nasundan ko na lang nang tingnan ant mayordoma. Kapag bumibili talaga ito sa akin ay hindi na nito kinukuha ang sukli.
Mas mabuti pa ang ibang tao may malasakit sa akin, hindi katulad ng tiyahin ko. Simula ng bata ako ay hindi na pamangkin ang tingin nito sa akin.
Balak ko na sanang humakbang nang magulat ako sa sunod-sunod na pagbusina ng kotse, dahilan kaya tumalsik ang dala-dala kong plangganita na hawak ko, dahil din sa gulat ko kaya natumba ako sa lupa.
Ngunit mabilis akong tumingin sa kotseng papalapit at wala yatang balak na huminto. Dahil sa takot at pagkataranta ko ay mabilis kong ipinikit ang aking mga mata. Baka ito ang katapusan ko.
“Are you going to kill yourself, batang paslit? Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo akong idadamay sa kabaliwan mo!" dumagundong ang malakas na sigaw na ‘yon ng lalaki.