(CEJE’S POV) WALANG akong salita habang nasa loob kami ng sasakyan ni Kent. Ito ang driver, hindi kasi nito kasama si Oreb. Bigla naman akong napatingin sa kamay nito nang biglang hinawakan ang aking kamay. Balak ko sanang hilahin ang kamay ko nang sinamaan ako ng tingin ni Kent. Kaya hinayaan ko na lamang ito. Nagulat pa nga ako nang halikan nito ang likod ng aking kamay at inamoy-amoy pa nito. Iwan ko ba! Dapat mailang ako sa ginagawa ni Kent sa akin lalo at magpinsan kami, ngunit para bang nasasabik pa ako sa ibang gagawin nito. Mahina tuloy akong nagbuntonghininga. Teka, ano kayang nangyari sa loob ng library ni Itay kanina. Hindi ko naman kasi naririnig ang usapan sa loob. Ang sabi lang ni Kent ay pinagpaalam na niya ako kay Itay. Mayamaya pa’y huminto ang sasakyan sa garahe ng

