threat

1644 Words
Charles’ pov Nasanay na ako sa ganitong set up namin ni Jasmine. After her class, sinusundo ko siya at hinahatid sa aming resto kagustuhan niya pa ring magtrabaho. Ayaw ko naman kasing magmukhang possessive lalo na ngayong sa akin nalang umiikot ang mundo niya baka isipin niyang over protective ako at sa huli ay magsawa bigla sa mga ginagawa ko sa buhay niya! Habang abala naman siya. Pinagtuunan ko naman ng pansin ang mga negosyong pansamantalang ibinilin sa akin ng lolo ko. Tama nga ang lolo napakaganda ng isla at naisip kong dito ko nalang din gaganapin ang aming kasal. Hapon na at nagpasya akong pumunta sa resto bigla ko kasing namiss ang magandang mukha ng aking fiancèè! Nadatnan ko namang abala ang mga service crew sa pag aasikaso ng mga customers. Pagpasok ko sa loob ng resto ay masaya naman akong binati ng mga nakakasalubong kong empleyado. Tinanguan ko lang sila bilang pagbati. Nilibot ko naman ng tingin ang loob ng resto baka sakaling masilayan ko ang dalaga pero ni anino niya di ko makita. tsk.! Nilapitan ko naman ang manager at saka ito tinanong. “Sir Charles, magandang gabi po.” bati ng mga naroon. “Good evening!”bati ko naman. "Nga pala nasaan si Jasmine?"tanong ko sa manager. Hindi pa nga pala nila alam na engaged na kami ng dalaga. "Ah si Jasmine po ba sir may kausap lang pong customer."pahayag naman ng manager. "Oh I see...Ah siya nga pala pakihanda ng paborito kong menu dito mamaya dadalhin ko sa hotel"utos ko. "Ah sige po sir I will relay it to our packing department." "Okay thanks then. saka ko tinalikuran. Dumiretso naman ako sa opisina ni lolo at umupo sa kanyang swivel chair. Naisip kung sa cctv monitoring ko nalang siguro siya pagmasdan ayoko ko kasing maabala ang aking fiancèè sa oras ng kanyang trabaho. Pinagmasdan kong mabuti ang cctv ng bawat sulok ng resto at nahagilap kaagad ng mga mata ko ang dalaga na tila masayang masaya ito sa kausap na customer ng resto. Singkit ang mga mata nito sa palagay ko ay isa siyang Korean o Japanese. Mukhang kilalang kilala nga nila ang isa’t isa nakita ko kasing masayang nagtatawanan ang dalawa. Hay, ang sarap siguro kung ganon din ang pakikitungo niya sa akin. Those lovely eyes and sweet smiles of her I'm longing for it! Sino ba naman ang hindi maiinlove sa mga inosente niyang ngiti. She's like a little angel fallen' from up above. Nakaramdam ako ng kaunting selos kahit na babae naman ang kakuwentuhan niya. tsk.tsk. “Tinawagan ko agad ang aking assistant na bumili ng chocolate at flowers naisip kung surpresahin na lamang siya alam kung pagod na pagod ito sa dami ba naman ng customers na kumakain.” Napansin ko rin kasing nagustuhan niya ang boquet of flowers na inabot ko sa kanya noong dinner date namin. Maya-maya lang ay napansin kong inabot na ito sa kanya. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya at mukhang natutuwa naman siya sa natanggap niya. sigh... Tinutukso pa nga siya ng mga kasamahan niya sa trabaho. Masaya silang nagtatawanan habang ako heto sa isang tabi palihim na pinagmamasdan ang kanyang mga kilos. Tiningnan ko ang relo at alas nuwebe na pala tiyak oras na para mag out si Jasmine. Dali dali akong lumabas ng opisina. Inabot naman sa akin ang supot ng take out na pagkain. “Bye sir…sabi ng isang nakakita sa akin .” “Bye…teka nakita mo bang lumabas si Jasmine?tanong ko sa waiter. “Ah…nasa locker pa po siya sir baka po nagbibihis na ho iyon.” ‘Ah…ganon ba sige mauna na ako pakisabi nalang na hinihintay ko siya sa labas okay?" “Yes po sir makakarating po sa kanya! Lumabas ako ng resto at pumasok sa loob ng aking sasakyan. Manong sandali lang ho ha hintayin natin si Jasmine. "No problem po sir."wika ng driver. Maya maya lang ay natanaw namin ang dalaga binuksan ko ang pinto ng sasakyan napansin ko naman agad na bitbit niya pa rin ang bulaklak. Ang sarap pagmasdan bibiruin ko pa nga sana kung sino ang nagbigay sa kanya pero naisip kong huwag nalang baka masira ang maganda niyang mood alam kong pagod na pagod pa naman siya galing sa trabaho. Kaya sinarili ko nalang iyon. Kinumusta ko ang araw niya. “Babe…how’s your day?” “O..okay lang pagod much.”simpleng sagot niya. “Ganon ba, kung ganon e diretso uwi na tayo.”tumango naman siya. Pagdating sa hotel. Dumiretso naman kaagad sa banyo ang dalaga. Habang naliligo ito, ako naman ay abala sa kusina hinanda ko na ang mga pagkaing tinake out ko galing sa resto. Narinig kong bumukas ang banyo at nakita kong nakasuot pa siya ng roba lumapit sa salamin at nag blow dry ng mahabang buhok. Nilapitan ko siya at inalok kong pwede ko ba siyang tulungan. Tumango naman siya bilang sagot. “Babe…tulungan na kita.”alok ko “S..sige salamat.” Kumain kami ng hapunan at nagpasyang matutulog na sana ng marinig ko ang tunog ng kanyang cellphone! Nagkunwari naman akong hindi nakikinig sa kanilang usapan. “H..hello ma, may problema po bakit napatawag po kayo?.” rinig kong sabi tanong niya habang pasulyap sulyap sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Ah…sige sandali ma ha choppy kasi e labas lang po ako saglit.”rinig kong sabi niya at sinenyasan akong h’wag maingay. Ayoko namang maki eksena sa usapan nilang mag ina kaya naisip kong humiga nalang sa kama. Maya maya lang ay narinig kong pumasok siya sa loob ng kwarto. Napansin kong may gusto siyang sabihin pero nahihiya pang magsalita. “Babe, may gusto ka bang sabihin?tanong ko. “O..oo, kailangan ko sanang pumunta ng ospital ngayon e kaso wala ng masakyan ng ganitong oras.”malungkot niyang wika. “Ganon ba, oh siya sige sasamahan kita babe sandali lang bihis lang ako.”paalam ko sa kanya. "Thanks."yun lang ang tangi kong narinig bago ko siya tinalikuran. Sinamahan ko siya sa ospital at gaya ng sinabi niya hindi ako pwedeng magpakita sa kanyang pamilya. Nagpaiwan nalang ako sa loob ng sasakyan. Makalipas ang ilang oras ay nakita ko siyang lumabas ng ospital. Pumasok sa loob ng sasakyan na parang lantang gulay. Dahil siguro sa pagod at antok na rin. “Babe, anong balita sa papa mo? “O…okay naman siya sabi ni mama pwede na daw siyang makalabas." "Good to hear that wika ko." Malalim na ang gabi at alam kong gusto na niyang matulog pumipikit pikit na nga ang talukap ng mga mata niya. Agad naman kaming nakarating sa hotel. Napansin kong dumiretso na siya ng kwarto. Sinilip ko at nakita kong nakatulog na agad. Kinumutan ko siya at sinabayan ko na rin sa pagtulog. Kinabukasan... Hinatid ko siya ulit sa pinapasukan niyang unibersidad. Kagaya ng nakagawian ay hatid sundo ko siya. Mabuti naman at di na nagprotesta pa kagaya ng dati. Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko pagkababa niya mismo ng sasakyan. Tiningnan ko at nakita kong unknown number ang tumatawag! "Hello! “Hello! Charles ako toh si Angel pinuntahan kita sa office mo pero wala ka kaya hiningi ko nalang ang number mo." ‘Ah..ganon ba kailan ka pa nakauwi akala ko ba ay matagal ka pang mananatili sa Europe? “Umuwi ako dahil di ka na nagpaparamdam charles! Alam mong tinawagan kita sa office niyo pero lagi namang sagot ng sekretarya mo na hindi ka na daw doon nagrereport! Charles, namiss kita nasaan ka ba? “Ah, gel ano e may sasabihin sana ako sayo! Alam mo naman na siguro ang status ng relasyon natin di ba? “Bakit Charles may iba ka na bang kinakasama?dudang tanong niya. “Oo, gel engaged na ako at ikakasal na kami.” “Ha! ano ganon ganon mo lang ako kabilis palitan. Charles naman pagkatapos mo kong pagsawaan?! “Angelicka!!! Ikaw ang may gusto ng lahat hindi kita pinilit naririnig mo ba ang sarili mo?!galit kong wika “Oo ako nga may gusto pero bakit hindi ka ba nag enjoy sa piling ko ilang taon na tayong nagsasama sa Europe Charles at ni isang katiting ng pagmamahal wala ka bang nararamdaman para sa akin?naiiyak niyang tanong “Gel, listen ayaw ko ng magpaliwanag pa sa iyo okay tapusin na natin ang lahat alam mo namang hindi kita kailanman matutunang mahalin at pumayag ka naman sa ganong set up di ba? Kaya sana please kalimutan mo na ako makakahanap ka pa ng mas higit pa sa akin... Sorry pero natagpuan ko na ang babaeng mahal ko at mamahalin ko habang buhay! biglang natahimik at tanging malalim na paghinga nalang ang naririnig ko. “Sige ! Charles papayag lang ako sa gusto mo pag nagpakita ka sa akin kaya sabihin mo kung nasaan ka?! “Sorry angel, pero hindi ko puwedeng sabihin sayo kung nasaan ako pasensya ka na.” “Ganoon ba ha sige kung yan ang gusto mo wag kang mag alala gagawa ako ng paraan para mahanap ka kahit saang lupalop ka pa magtago Charles Buenaventura! At ito tandaan mo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko oras na di ka magpakita sa akin! “Wag mo akong susubukan Gel, dahil ngayon pa lang sinasabi ko sayo kung ano man ang binabalak mong masama lalo lang kitang kamumuhian!nanginginig kong sambit… “E di go gawin mo tingnan natin kung sinong magwawagi sa ating dalawa!’ Pinatayan ko siya ng cellphone! Galit na galit akong umuwi ng hotel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mga oras na iyon! Paano nalang kung talagang guguluhin niya kami paano na si Jasmine tiyak na may excuse na siya para layuan ako! Tinawagan ko ang assistant ko at inutusang asikasuhin kaagad ang aming kasal sa lalong madaling panahon. Total ay isang buwan nalang gagraduate na rin naman siya! Nilunod ko naman ang sarili ko sa alak! Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako sa sobrang kalasingan! Hindi ko na rin alam kung umuwi na ba si Jasmine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD