Bestfriend forever

1190 Words
Jasmine’s pov Lunes, papasok na ako sa school. Nagtalo pa kami ni Charles dahil gusto niya akong ihatid kaya bago pa uminit ang bunbunan ko pumayag na naman ako sa gusto niya pero sa isang kondisyon huwag siyang bababa ng sasakyan. Nakasakay na ako sa kotse niya at hindi ko naman maiwasang kabahan! “Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil ito.” “Babe, you look so nervous?” “Yeah... sabi ko.” “Bakit ayaw mo bang malaman ng kaklase mo na may gwapo kang boyfriend?”pang aasar niya sa akin. “Alam mo ang kulit mo din ano di ba sinabi ko naman sayo na ayoko ng pinag uusapan ako at baka makarating sa family ko!”galit kong wika. “Okay...pero hanggang kailan kaya ako maghihintay ang hirap naman ng ganitong nagtatago lagi babe." Malungkot niyang wika. “Hindi lang ikaw ang nahihirapan ako rin naman ah…!”pinandilatan ko na siya ng mata kabadtrip aga aga e ang drama.” Malapit na kami sa b****a ng campus kaya hindi ko na sila inabalang ihatid ako sa mismong gate. Pagkakuway nagmasid muna sa paligid bago bumaba ng sasakyan. Muntikan pa akong madapa paano ba bigla siyang sumigaw pagkababa ko ng sasakyan! Gusto ko siyang balikan at tirisin! Sinasadya niya pa talagang makaagaw ng atensyon bwisit…! “Babe…sunduin kita later ha, love you…!pahabol niyang sigaw. Tumakbo na nga lang ako papasok kasi namumula na ako sa sobrang hiya! Hapong-hapo na nakarating sa loob ng campus saka naman biglang sumulpot si jane ang bff ko. “Oh, jasmine bakit parang galing kang marathon anyare sayo namumula ka?”nagtatakang tanong ni Jane. “Ah…wala ayoko ko kasing malate hehehe”palusot ko sa kanya “Sus…maniwala naman ako sayo haler kilala na kita day.” “Nakita kitang tumakbo ng may sumigaw ng ano daw yun di ko masyadong narinig teka...”pagkukuwento pa ni jane agad kong tinakpan ang bibig niya at baka may makarinig sa usapan naming dalawa.” “I..lo..love you.... tama yun lang ang narinig ko nagmula sa mamahaling kotse kanina saka tiningnan ako ng masama!”hinihintay ni jane ang sagot ko. “Oo, na sige na magkukuwento na nga ako pero sa ating dalawa lang to ha pramis?”nag pinky sign pa kami parang mga bata lang ang peg.” “Sige pramis!’ “Ah…ganito kasi yun nakilala ko siya sa party namin at naparami ako ng inom. Niyaya niya ako ng sweet dance so, ayun habang sumasayaw kami naramdaman kung bigla akong nahilo at nahimatay!” Tapos…dinala niya pala ako sa suite room niya. Saka…ayun sa hindi inaasahang pagkakataon…may…” “May ano?...dali ikwento mo na kasi toh naman masyadong suspense e!”atat na atat na bespren ko. “May nangyari sa aming dalawa!” “Ayyyy…ang saya naman girl totoo ang sumpa ng blusang itim hahaha!” Di nga ako nagkamali sa sinabi ko may sumpa ang blusang itim kasi ganyan din ang nangyari sa akin hahaha^-^” Kilig na kilig ang bruha…” “Gaga! Hindi dahil sa blusang itim yun dahil ayon kay Charles may nagtangkang lasunin ako nilagyan ng drug chemical ang iniinom kong wine!bigla namang natahimik si Jane..” Niyakap ako ng mahigpit! Niyakap ko din siya. Suddenly, I found a comfort zone through my one and only bff! “So…sorry friend di ko alam na may nangyaring masama sayo ng gabing iyon kaya pala hindi ka nagrereply sa mga messages ko pati na rin sa chat ko sa f*******: messenger mo.” “Okay lang jane after ko kasing mawalan ng malay naiwan ko yung gamit ko sa venue buti nga at nakita ng kasama ko sa trabaho at dinaan niya iyon sa bahay the following day!”paliwanag ko. “God is good dear alam kong mabait kang tao kaya di ka niya pinabayaan!” “Upo muna tayo sa bench may natira pa namang oras magkwento ka pa sa mga nangyari sayo.”yaya ni jane. “Sige.” Naupo muna kami sa mahabang bench malapit sa canteen. “Yun na nga after ng may namagitan sa amin ng lalakeng iyon! Pinakita ko kay jane ang diamond ring hindi ko pa pala ito natanggal sa kamay ko. “Wow…diamond ring! Manghang manghang si Jane. “So, engage ka na sa kanya ganern?! Tumango lang ako sa kanya. “Masaya ka ba sa kanya Jasmine?”tanong niya sa akin. “Hindi ko alam jane alam mo namang priority ko ang pamilya ko lalo na ngayon alam mo naman siguro ang sitwasyon ko." “Okay…kung di ka masaya bakit ka naman pumayag sa gusto niya?”tanong ni Jane. “Dahil kong hindi ako papayag alam.mo bang tinakot ako ng mokong na yun na ikakalat daw niya ang s*x scandal naming dalawa!” “E…gago pala siya e aksidente naman yung nangyari bakit niya nagawa yon sayo? “Hindi ko rin alam pero sa kaunting araw na kasama ko siya nararamdaman ko namang mahal niya ako!’ “Sana nga totoo ang nakikita mo…teka alam na ba ng pamilya mo yan? “Yun na nga ang problema ko hindi nila ito pwedeng malaman!” “Paano yan hindi naman pwedeng habang buhay itatago mo yang nangyari sayo! Walang lihim na hindi naibubunyag maliit lang ang mundo beshie. “Naguguluhan na nga ako Jane…di ko na nga alam kung anong gagawin ko! “Wag ka ng umiyak andito lang ako anytime pwede mo akong tawagan.” “Salamat jane ikaw lang ang nakakaalam ng lihim ko! “Makakaasa kang hindi ko ito ipagsasabi, ikaw pa ba kapatid na turing ko sayo same lang naman tayong walag kapatid na babae. “ "Salamat talaga beshie ko."sabay yakap sa kanya. Ang sarap ng may kaibigang tunay! Makalipas ang ilang minuto ay hudyat na para sa unang subject ng aming klase. Pumasok kami ni Jane sa klase medyo gumaan ang pakiramdam ko masarap pala na nailabas ko ang bigat na nararamdaman ko. I owe you big time beshie jane my one and only comfort zone aside from my family! Pagkatapos ng klase ay sabay kaming lumabas ng campus ni Jane. Hihintayin daw niya si Paolo sa labasan. Habang papalabas sa campus napansin ni jane na may paparating na sasakyan palapit sa pwesto naming dalawa. “Jas…may sundo ka ata tawag sa akon ni Jane. Agad ko ring pinagmasdan ang paparating na sasakyan. “Sige, Jane mauna na ako ah see you…” “Hoy, girl di mo ba ako ipapakilala man lang?”habol sa akin ni jane. Agad namang bumukas ang window shield ng kotse at iniluwa doon si Charles! “Babe…timing pala ang punta ko sabay sinilip si Jane na nasa likuran ko. “Hi, I’m jasmine’s bestfriend!”pakilala niya sa sarili niya. “Nice to meet you Jane. I’m jasmine’s fiancé, Charles Buenaventura!”sabay abot ng kamay kay Jane. “Nice to meet you again Mr. Charles, ingatan mo beshie ko ha ikaw pa lang ang nakilala niyang lalake!”wika ni Jane. “Sure no problem! Don’t worry love ko yang bestfriend mo siya lang naman ang ayaw sa akin!”pambubuking ng mokong” Sige na Jane baka maabutan pa tayo nila Pao at Eric.” “Sige, ingat ka. Chat you later bye…!” “Bye..” Dali-dali akong sumakay sa kotse niya ayokong makita ako nila Paolo lalo na si Eric tiyak magtatampo iyon! Nagpahatid nalang ako sa work ko. Ayaw pa sanang pumayag ng mokong pero kinonsensya ko pa muna para mapapayag lang!tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD