CHAPTER 3: TO-DO

3924 Words
“Ahhh” Sigaw ni Yvosia habang hinahatak siya pailalim.Biglang bumagsak ang kanyang katawan sa isang malamig na simento.Hinarang niya ang kanyang kamay sa kaniyang mata nang biglang umilaw ang paligid. Biglang nagkakulay ang kaninang malamig na simento.Napaupo ulit si Yvosia nang biglang tumaas ang kaniyang kinatatayuan hanggang makita na niya ang black and white tiles na ground. "What the-" Pinilit niyang kalmahin ang kanyang sarili dahil baka umatake ang kaniyang kondisyon. "Welcome Yvosia," Biglang nagsalita ang system sa paligid. "W-where I am?" Bakas ang pagkatakot at kaba sa kanyang boses. "Do not be afraid of Yvosia,you're just going to play a game." Lumuwa ang kanyang mga mata nang marinig ang mga salitang iyon. "Game?,anong laro?" Biglang may lumitaw na mga bagay sa ground. "I'm sure you're familiar with this?" Napatingin si Yvosia sa baba,black and white tiles,at mga pyesa na alam niyang laruin. "Chess?" “You're right, you're going to play chess but the plot twist is...” Napasigaw si Yvosia nang biglang nakulong ang kanyang katawan sa loob nang hourglass.Sinubukan niyang lumabas ngunit wala siyang takas. “You need to survive this game or the sand will drown you.”  Napatingala si Yvosia nang maramandaman niyang ang mga buhangin na umuulan sa kanya. “Good luck!”   Napahilamos nang kanyang mukha si Shin nang pumula sa ikalawang pagkakataon ang screen senyales na maling code ang kanyang nailagay. “One attempt left,” What the system said makes him more frustrated.He only has 20 seconds left and one attempt left,if ever he fails he will be gone. “Konkai wa shippai suru made kimashita(I've come so far to fail this time).” Tiningnan niya ulit ang mga numero na naglilipiran sa paligid. 83,85,82,86,73,86,69 Ginawa niya na ang lahat nang numerical code na alam niya at itinuro sa kanya. A1Z26,ATBASH,BINARY ay ilan lamang sa mga kombinasyon na kanyang ginamit ngunit hindi iyon ang sagot. Inaalis niya ang kanyang eyeglasses at kinusot ang kanyang mata.Ang mga numero ay naglilipiran sa paligid. “ASCII!’’ Biglang saad ni Shin bago tinype sa computer na inilaan sa kanya. “Eighty three is for S,in ASCII eighty five is for U and eighty two for R.Eightysix is the representation of V,the number seventy three is for I and another eighty six for V and lastly sixty nine for E,” Saad ni Shin habang tinatype sa computer ang kanyang nabuong sagot. Huminga siya nang malalim at hinintay ang hatol sa kanyang sagot.Huminto ang orasan sa pag andar at umilaw sa dati ang paligid. “You Survive the test,”     Sa bawat oras na pumapatak ay lumalakas ang pagtibok ng puso ni Yvosia dahil sa kaba. Puti ang linaro ni Yvosia may dalawang pyesa nalang siya natitira.Isang Reyna at ang pinoprotektahan niyang hari. Habang sa kabila ay tatlong piyesa ang natira,dalawang torre at ang hari.Kahit na magaling na strategist si Yvosia ay hindi niya mapatumba ng madalian ang kanyang kalaban. Ting! Tunog iyo na hudyat na kay Yvosia na ang susunod na galaw. Napaupo si Yvosia dahil hanggang leeg na niya ang buhangin. Nasa h3 ang kanyang reyna na tanging pyesa na maari niyang gamitin. Habang nasa d8 ang isang torre at f8 naman ang isa.Ang hari ay nasa pagitan  ng dalawang torre ay nasa e8. Kailangang makaisip agad si Yvosia nang paraan upang ma checkmate ang kalaban. Ang tanging paraan na naisip niya ay ang Epaulet checkmate. Ang pattern ng pagsasama na ito ay nakuha ang pangalan dahil ang posisyon na nakakuha ka mula sa board ay kahawig ng mga epaulet na sinusuot ng ilang mga kasapi ng armadong pwersa sa kanilang balikat. Nasasangkot ito ng dalawang piraso ng kaaway na humahadlang sa dalawang panig ng hari. “Queen h3 to e6,” Anunsyo ni Yvosia nang kanyang galaw.Gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan ang reyna papunta sa harap na kalaban na hari. "Checkmate!" Dahil wala nang mapupuntahan ang kalaban na hari ay inanunsyo ni Yvosia ang checkmate. "White won!" Bumagsak si Yvosia sa sahig nang bigla siyang makawala sa hourglass.Nanginig ang kanyang mga kamay,kinakapos siya sa hangin,pinigilan niya ang kanyang sarili na magpadala sa kanyang kondisyon. "Please,wag ngayon…"   The punching bag kept swaying back and forth receiving the punches from Pria's fist. It's already six o'clock in the morning.She wakes up early to do her morning routine and one of these is boxing. "Bess!" Bumukas ang pinto ng martial arts room nang pumasok ang babaeng naka bob hair. Hindi lumingon si Pria at pinatuloy ang kaniyang ginagawa. "Psst,hoy!" Tumigil si Pria at liningon ang kaniyang kaibigan na nakaupo ngayon sa monobloc chair. "What's up Xy?" Tanong niya at hinubad ang kanyang boxing gloves. "Well hindi mo man lang ako chinikahan kung tinanggap ba kahapon ni Hence ang cake na pinabake mo sa lola ko?"Matinis at maipit ang boses ni Xyra kung kaya ay nag-eecho iyon sa buong kwarto. "As usual." Nalungkot naman ang mukha ni Xyra nang marinig iyon.Pinaghirapan kasi ng lola niya ang cake na pinagawa ni Pria sa kaniya. "But don't ya worry Xy,tinanggap naman iyon ni Lance and for sure kinain iyon ng mga taga unit A.By the way salamat pala doon." Napailing na lang si Xyra sa kanyang kaibigan.Pinanood niya si Pria na pinupunasan ang kanyang pawis. “Pria,bess!ewan ko nalang kung ano ang gagawin ko sayo.Maganda ka,mayaman,matalino,magaling sa lahat tas nagpapakatanga ka na lang sa walang  pakialam na si Hence na hindi man lang na aappreciate yung mga efforts mo!” Halos mabingi si Pria sa sunod-sunod na salita ni Xyra sa kaniya.Isinarado niya ang bote ng kanyang water bottle at napasinghap ng hangin.Sa bagay may punto ang kanyang kaibigan nasa kanya na ang lahat,kayamanan,kapangyarihan,kagandahan,kabutihan.Umupo si Pria sa isang monoblock chair kaharap sa hindi kalayuan ni Xyra. “Well,you got a point but what do you think I can do?” Napayuko si Pria at ang butil nang kanyang pawis ay tumutulo sa marmol na sahig. “My affection is like a seed that is planted to me; it grows deeper and deeper.” Napahilamos ng mukha si Pria habang nakayuko.Tumayo si Xyra mula sa kanyang kinauupuan at lumakad sa kanyang kaibigan.Lumuhod siya sa harapan nito at itnaas ang  kanyang baba.Tiningnan niya ang kanyang mala krystal na mata,hinawi niya ang mga luha ng kabiguan mula sa mata nang kanyang pinakamamahal na kaibigan. “Don’t be hard on yourself Pria,let go of that pain and find your own path.Set it free this is my advice for the last.Break it free.” Yinakap ni Pria si Xyra nang mahigipit at umiyak sa kanyang balikat.Si Xyra ay ang kaniyang kaibigan mula pa noong tumapak siya sa unibersidad. “Teka Xyra,matanong ko lang kung nag brown out ba kagabi?” Tanong ni Pria at kumalas sa kanilang pag kakayakap.Napataas naman ng kilay si Xyra. “No.Never naman nag ka brown out sa University,”Nagtaka naman si Pria sa kanyang sagot. “Sure kaba?” Napatango naman si Xyra sa kaniya.Biglang bumukas ang pinto nang martial arts room. “Captain Pria pinapatawag ka daw ni Headmistress Emma,” Saad ni Hannah na siyang herald ng grupo.Napataas naman ng kilay si Pria at pinunasan ang kanyang luha habang tumayo naman ng tuwid si Xyra. “What?,it’s still early in the morning” Pria asked using her authoritative yet curious tone.Hannah just shrugged her shoulders. “Ewan ko po inutusan lang ako ni Assistant of the Headmistress Marga.Ginising niya nga ako nang maaga para lang sabihin iyon sayo.” Kinusot kusot ni Hannah ang kanyang mga mata.Halatang kakagising lang niya dahil naka pajama pa ito at blouse. “Sige,salamat” Tumango lamang si Hannah at lumabas nang martial arts room.Nagtatakang nagkatinginan sina Xyra at Pria.     Sa tunog ng pito ni Lance ay nag putukan ang mga baril ng mga estudyante sa loob nang headquarters nang Unit A. Ang mga machine ay nagproproduce nang isang simulation person na ititira ng  mga estudyante gamit ang makabagong baril na ipinadala kay Hence kagabi galing sa embassy.Napatingin si Lance sa taas at nakita si Hence na tulalang nakahawak sa grills. “Just keep shooting.” Utos ni Lance sa kanila at kinuha ang cup of coffee at ang kanyang memo pad. “Yes sir!” Sagot ng mga estudyante sa kaniya.Umakyat sa taas si Lance at sumandal sa grills at inilahad ang kape kay Hence. “Bro,coffee?” Bumalik ang ulirat ni Hence at napatingin sa kape na inilahad ni Lance.Kinuha niya iyon at tinanggal ang takip nito at ininom. “Ano bang nangyari at parang wala ka sa sarili mo?” Tanong ni Lance sa kaniya.Tinakpan ni Hence ang kape at ibinalik kay Lance na tinanggap naman nito. “I just met a mystery last night?” Napaubo naman si Lance at nasuka niya ang ininom niyang kape. “Anong mystery naman iyan?,napaaway ka ba kagabi kaya may daplis ka sa mukha?” Napaiwas si Hence nang ituro ni Lance ang daplis sa kanyang mukha. “A robotic person just attacked me last night while I’m taking the path of the embassy,” Kalmadong eksplenasyon ni Hence.Napaluwa naman ang mata ni Lance. “Sa embassy pa mismo?,hindi pa naaalerto ang mga security?” Hence just shrugged his shoulders. Parehong napatigil sa pag-uusap ang dalawa at napatingin sa ilalim nang biglang tumigil sa pag-eensayo ang mga estudyante. “Goodmorning Miss Marga,” Bati ng mga estudyante sa babaeng kakapasok lamang nang headquarters.Napatingin si Marga sa taas at nagtagpo ang tingin nila ni Hence at Lance.Umakyat si Marga papunta sa kanila. “Can I talk to Hence alone?” Napatingin si Lance kay Hence na hinihingi ang permiso nito. “Make the unit ready for their classes.” Utos ni Hence kay Lance.Tumango si Lance sa kaniya at lumingon kay Marga na nakangiti. “Please excuse me.Miss Marga.” Tumango si Marga sa kaniya.Sinabihan ni Lance na kailangan na nilang maghanda sa kanilang morning classes.Lumingon ang mga estudyante sa kanila at nagbigay galang bago umalis kasama si Lance. “Bakit may galos ka?” Tanong ni Marga at tinuro ang daplis sa mukha ni Lance. “I thought you know.Anyway why are you here?" Deretsahang tanong ni Hence kay Marga. "Pinapatawag kani Headmistress sa kanyang opisina." Ngumisi si Hence at napatingin sa ibaba. "That's good.She owes me an explanation," Saad nito na ikinataka ni Marga. "Huh?,anong ibig mong sabihin?" Tumayo ng tuwid si Hence at napamulsa. "I was attacked inside the embassy hall  isn't that too suspicious?" Humigpit ang pagkakahawak ni Marga sa memo pad niya na agad napansin ni Hence. "Hindi kita maintindihan Hence." Napasinghap nang hangin si Hence bago sumandal ulit sa grills. "A robot attacked me and the only place where robots and high end technology can be found is in Sherlock University.I was attacked inside the embassy a very well secured place,that person who sent the robot have the guts to murdered the son of the ambassador inside the embassy," Eksplenasyon ni Hence sa kaniya.Napailang lamang si Marga sa kaniya. "Eh bakit hindi ka ba tinulungan ng mga  security sa embassy?" Umiling si Hence sa kanya. "No.I bet my father already expected that something will happen like this.My father doesn't trust anyone easily which leads me to the conclusion that the headmistress contacted my father about this." Seryosong saad ni Hence. "Hindi ko alam ang pinagsasabi.Pumunta ka na lang sa opisina ni Headmistress Emma." Tumalikod si Marga at tuluyang naglakad palayo. Hence clicked his tongue and let out a smirk. "You're now testing me?,well then."   Binalot ng tunog ng gitara na pinapatugtug ni Kiro ang kanyang kwarto. Tinutugtug niya ang kanyang kulay asul na gitara na binigay sa kanya ng namayapa niyang ama na may malalim na iniisip. Kanyang iniisip ang nangyari kagabi.Napatigil siya sa pagtugtug at tiningnan ang kanyang sugat na binalot niya ng tela.Hindi naman malalim ang kanyang sugat. "Co-lead of Unit B Shin Kohei Koike wants to go in." Napasinghap nang hangin si Kiro sa anunsyo ng kanyang system. "Let him in." Utos nito.Biglang bumukas ang iron door ng kwarto ni Kiro at iniluwa nito na si Shin na tilang nagmamadali. "Oh,masyadong maaga pa yata para sunduin mo ako?" Kiro let out a small chuckle. "Watashi ga anata ni iu hitsuyō ga aru koto ga arimasu(There's something I want to tell you)." Nagtaas naman nang kilay si Kiro nang hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kaniyang kaibigan.Umupo si Shin sa sulok ng kanyang kama. "May ikekwento ako sayo." Natawa naman si Kiro sa sinabi ni Shin. "Pumunta ka talaga dito nang maaga para lang makipag chikahan?" Tumayo si Kiro papunta sa kanyang dressing room.Yumukod siya at kinuha sa shoe rock ang kanyang itim na bota. Shin followed him and leaned against the wall. “May nangyari kasi kagabi.” Umupo si Kiro sa stool.Itinali niya ang ang kanyang shoelace “Bakit ano bang nangyari kagabi?” Tanong nito kay Shin. “Eh kasi noong pinatawag ako-” “Member of Unit D Brielle Hermosa wants to go in.” Napatigil sa pagkukwento si Shin nang biglang tumunog ang system ni Kiro. “Let her in.” Utos ni Kiro at tinali ang huling shoelace niya tsaka tumayo.Lumabas sila sa dressing room. “Kiro!” Pareho silang nagulat nang biglang yakapin ni Brielle si Kiro. "I'm so sorry Kiro please forgive me,I didn't mean to do that, I'm so sorry," Pagmamakaawa ni Brielle kay Kiro.Namumugto pa ang kanyang mata halatang galing lang sa pag-iyak. “Kumalma ka muna Brielle,hali ka umupo ka muna.” Pinaupo ni Kiro si Brielle sa kanyang sala. “Shin pwede mo ba siyang kunan muna ng tubig,please?” Pakiusap ni Kiro kay Shin na nakatayo malapit sa kusina ni Kiro. “Hai, chotto matte kudasai (Yes,wait a minute),” Saad ni Shin at kumuha ng baso at linagyan ng tubig galing sa dispenser. “Here.” Binigay ni Shin ang baso na may tubig kay Brielle at umupo siya sa pahabang sofa katabi ni Kiro at kaharap ni Brielle. “Bakit ano bang nangyari kagabi?” Tanong ni Shin sabay tingin kina Kiro at Brielle. “Nagising nalang ako na masakit ang ulo ko at wala akong masyadong maalala kaya nireview ko ang footage sa cctv at doon ko nakita na I attacked you and I felt so sorry for it,hindi ko talaga alam kung ano yung ginagawa ko.It seems that I’ve been-” “Controlled,” Pagputol ni Kiro sa pahayag ni Brielle.Tumayo siya at pumunta sa kanyang drawer may kinuha siya doon at saka bumalik sa sala. “Ito,may naala kaba dito?” Pinakita ni Kiro ang micro chip kina Brielle at Shin. “Ano yan?” Tanong ni Shin at tiningnan mabuti ang microchip sa kamay ni Kiro. “Nakita ko ito kagabi na nakastick sa noo ni Brielle.” Umiling si Brielle ng makita niya ang microchip. “I don’t know,wala akong maalala tungkol sa microchip nayan,” Sagot ni Brielle at uminom ulit ng tubig. “Sino ba ang huli mong kasama maliban kay Kiro kagabi?” Tanong ni Shin na tila nag-iimbestiga. “Si Ms.Marga,” Nagsalubong ang kilay ni Kiro ng marinig niya iyon. “Si Marga?” Napatango si Brielle at linagay ang baso sa maliit na mesa na nasa harapan nila. “Pwede kabang magkwento?” Tanong ni Kiro sa kanya.Tumango naman si Brielle at kinwento ang mga nangyari kagabi. Nagbabasa ng magazine si Brielle sa lobby habang hinihintay si Kiro.Kinausap niya si Kiro kung pwede sila magkita at magkausap ngayon gabi at sumangayon lamang si Kiro. “Brielle,gabi na ah may hinihintay kaba?” Napatigil sa pag scascan ng magazine si Brielle at  tumingin sa pinanggalingan ng boses. “Ah,good evening Miss Marga,I’m just waiting for Kiro,” Saad nito at ngumiti.Uupo na sana siya ulit ng lapitan siya ni Marga. “Oh,the cassanova captain of Unit B,well hindi ko siya masisi kung makipagkita siya sayo.” Hinawi niya ang small,curly blonde hair ni Brielle.Ngumiti na lamang si Brielle sa kanya. “Maganda ka,may mapupungay na mga pilikmata at makwela,” Napa aray si Brielle nang biglang idiniin ni Marga ang kanyang daliri sa kanyang noo. “Oh,sorry medyo pasmado kasi yung kamay ko.” Inayos ni Brielle ang kanyang buhok at ngumiti. “Nope,it’s fine,” “Oh,I need to go now may aasikasuhin pa ako,goodnight.” Tiningnan ni Marga ang kanyang wrist watch at saka nagpaalam. “You too,good night”   “Isn’t that weird na yung nangyari sa inyo at yung nangyari sa akin all happened on the same night?” Komento ni Shin pagkatapos marinig ni Shin ang kwento ni Brielle.Napatingin naman sa kanya sina Brielle at Kiro. “What do you mean?’’ Tanong ni Kiro sa kanya. “Noong tinawag ako para pumunta sa opisina ni Professor Adreline ay walang tao ang opisina at biglang nagdilim ang paligid pagkatapos ay nagsilabasan ang mga numero na kailangan kong icrack kung hindi ay sasabog ang bomba sa loob ng opisina.Kung hindi ko yon na c***k siguradong toasted na ako ngayon,” Kwento ni Shin sa kanila.Tumayo si Kiro at napamulsa. “Maybe connected ito sa laro na sinasabi ni Headmistress.’’ Napaangat ang kanilang ulo at natuon ang kanilang atensyon sa iron door ng biglang tumunog ang system. “Assistant to the Headmistress wants to go in,” “Let her in.” Biglang bumukas ang iron door at iniluwa nito si Marga na hawak-hawak ang isang memo pad. “We need to talk-” “No,you need to talk with the headmistress pinatatawag niya kayo sa kanyang office,” Putol ni Marga kay Kiro.Gulat itong napalingon kay Brielle na gulat ring nakatingin sa kanya. “Brielle bakit ka nandito?,bawal dibang pumasok sa kwarto ng hindi mo ka unit?’’ Natigilan si Brielle at walang boses na lumabas sa kanya. “No hindi ko na kanilang pakinggan ang explanation mo,basta sumunod kayo sa akin.” Bubuka pa sana ang bibig ni Kiro ng magsalita si Marga. “All your questions will be answered,”   Kinuha ni Jaxith ang isang bottle ng capsules sa kanyang drawer.Simula ng pinasok ng mga magulang ni Yvosia ang kanyang pinsan sa Sherlock University ay siya na ang nag-aalaga sa kanya. Lumaki silang magkasabay kung kaya alam niya kung gaano kahirap kay Yvosia na magkaroon ng isang kondisyon.Ngunit unti-unting na labanan ni Yvosia ang kanyang kondisyon.Lumabas siya sa kanyang kwarto at pumunta sa kwarto ni Yvosia na kalapit lamang ng sa kanya. Swinipe niya ang kanyang I.d sa machine bago nakapasok sa loob.Dumiretso siya sa loob ng kwarto ni Yvosia at nadatnan itong naglalaro ng kanyang paboritong teddy bear na si Mr.Chammi. “Yvosia,inumin mo na ang gamot mo para makakain na tayo sa cafeteria,” Sabi ni Jaxith.Tumango naman si Yvosia at nilagay sa gilid ang kanyang teddy bear.Kinuha niya ang kanyang gamot kay Jaxith at dumiretso sa kusina upang kumuha ng tubig.Inayos ni Jaxith ang pink na kama ni Yvosia na napapalibutan ng mga stuff toys. Habang umiinom ng gamot si Yvosia ay naala niya ang nangyari kagabi.Hindi niya ito nasabi kay Jaxith dahil natatakot itong magsabi.Biglang tumulo ang kanyang luha hanggang sa humagulgol siya.Nang marinig ni Jaxith na umiiyak si Yvosia ay agad niyang pinuntahan ito at inusisa. “Oh bakit ka umiiyak?” Tinabunan ni Yvosia ang kanyang mukha at walang tigil sa pag iyak.Yinakap siya ni Jaxith at sinubukang patahanin. “Kuya natatakot ako,kuya takot na takot ako.” Hinagod ni Jaxith ang likod ng kanyang pinsan. “Huwag ka nang matakot tahan na,” Ilang minuto lang ay napatahan rin ni Jxith ang kanyang pinsan. “Halika na kumain na lang tayo sa cafeteria,” Anyaya ni Jaxith kay Yvosia.Tumango na lamang si Yvosia at pinunasan ang kanyang luha.Habang naglalakad sila sa hallway ng SU ay nakasalubong nila si Marga kasama sina Kiro,Shin,at Brielle. “Goodmorning Ms.Marga.” Bati nila kay Marga na ngumiti sa kanila. “Brielle bakit kasama mo sila?” Tanong ni Jaxith ng makita niya si Brielle. “Sumabay lamang siya sa amin,anyway pwede ko bang hiramin muna yung pinsan mo?” Tanong ni Marga na ikinagulat ni Jaxith. “For what?” Lumingon si Jaxith kay Yvosia na nagtataka bago binalik ang atensyon kay Marga. “The headmistress wants to talk with her.” Mas lalong nagtaka si Jaxith sa pinagsasabi ni Marga.Lumingon siya ulit kay Yvosia at ay binulong. “Mag-ingat ka.” Tumago na lamang at ngumiti si Yvosia sa kanya bago sumama kay Marga. “Good.Mauna na kami and you Brielle sumama kana sa kapitan mo,” Tumango si Brielle bago pumunta kay Jaxith.Nagpaalam sila na mauuna na silang maglakad.Sinundan ni Jaxith sina Marga na may matalim na tingin. The Headmistress room is filled with silence.Yvosia,Hence, Kiro,Shin and Pria are still confused why the headmistress called them. Headmistress Emma Bleau is sitting comfortably in her swivel chair while scanning the papers in the folder. She put the folder beside her and crossed her fingers. "How are you?,did you sleep well?”Tanong ni Headmistress sa kanila na siyang tinugunan nila ng isang tango. "With all due respect,headmistress, can we just hit the bulls eye?" Tanong ni hence na ikinahinto ni Emma. “Actually,you are here because you’ve past the test -” “What test?’ Putol ni Pria kay Emma. “I bet the test that you’re talking about headmistress Emma is where you let us be attacked by robots.” Nakangising saad ni Hence. “WHAT?!" Napatayo si Pria sa pagkagulat. "Watashi wa hotondo shinda(I almost died)!" Reklamo naman ni Shin. "Pasensya na Headmistress pero parang hindi tama yung ginawa mo," Usal ni Kiro na kinatawa ni Emma. "And why?" Napasinghap ng hangin si Kiro. "You sent a robots that almost killed us.Linagyan mo rin ng microchip si Brielle,isang tao linagyan niyo ng microchip!" Napalingon sa kanya ang apat. "A-no?,mic...microchip?" Nauutal na tanong ni Yvosia na nagulat rin. "Listen up,hindi naman kayo napaano ah and besides you should be thankful na kayo ang ipapadala sa isang mission." Binigay ni Emma ang limang  kulay asul na folder sa kanila.Sabay nilang binuksan ang folder na binigay sa kanila at binasa ng maigi. "A sabotage event?" Tanong na lumabas sa baba ni Kiro matapos mabasa ang detalye. "Dumating noong nakaraang linggo ang mga vaccines galing U.S.But to be surprised hindi naging maganda ang epekto ng gamot sa mga pasyente,"Saad ni Emma. "So you're now suspecting that there is foul play or sabotage that happened." "Yes the source said the doctors did not report this on the government that should be," "That's kinda weird," Usal ni Pria at napa bente kwatro ng upo. "That's why you put us on the sudden test,delikado naman iyon headmistress paano kung na tuluyan kami?"Reklamo ni Shin.Napasinghap na lang ng hangin si Emma. "That didn't happen." Tumayo si Emma sa kanyang swivel chair at pinatong ang dalawang palad sa mesa.Tiningnan niya ang kanyang mga kaharap isa-isa. "You need to investigate now,remember this is not a competition." Nakailang hakbang palang si Emma ng biglang magsalita si Hence. "That's where you're wrong headmistress." Napatigil ng paglalakad si Emma at napalingon kay Hence. "Excuse me?" "Life is a competition.Competition in life,love,principle,to others,even in ourselves.If you kneel down that's where you know that you loose," Saad ni Hence na parang nagrerecite ng isang tula.Nakapikit siya kung kaya hindi niya nakikita na nakatuon sa kanya ang atensyon. "Just bring me the success," Saad ni Emma bago iniwanan sila sa loob ng kanyang opisina. "Oum,do you guys have any plans?" Pagbasag ni Pria sa katahimikan.Minulat ni Hence ang kanyang mga mata at nagsalita. "Yvosia make a plan and we will meet each other at Unit A headquarters after our class," Utos ni Hence sa kanya bago tumayo. "Y-yes,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD