Alas-siyete na nang gabi nang matapos nang ibang estudyante ang kanilang hapunan.
Lumabas si Hence sa kanyang comfort room.Nakatampis lamang nang tuwalya ang kanyang pang ibabang bahagi ng katawan.Huminto siya sa tapat ng kanyang salamin habang pinupunasan niya ang kaniyang buhok.
Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa salamin.He posses a blue panther eyes,a knife like jaw,and an intimidating facial features.
Hinawi niya ang kanyang buhok upang bumungad ang slit sa kanyang kaliwang kilay na sanhi nang isang insidente.
Ring…Ring…Ring…
Napatigil siya sa pag usisa sa sarili nang may tumatawag sa kaniyang cell phone.Nang makita niya ang pangalan sa caller ID ay agad niya itong sinagot.
"If you called me to invite me there in the embassy.Sorry but not now,"Bungad niya sa kabilang linya.
"Is that how you say hello to your father?"
Pinatong ni Hence ang cellphone sa kaniyang kama at dumiretso sa kanyang cabinet.
"What's with the sudden call….dad?"
Sinuot ni Hence ang kaniyang white t-shirt at kanyang pajama.
"Well...we want you to come over here at the embassy-"
"Dad,I've lost a lot this day and tomorrow I will not let that happen again," Hence cut off his father's words.
"You're turning down your mother's request?"Hearing this from his father makes him more frustrated.
"Dad, you know that we are not allowed to go outside of the campus,right?"Umupo siya sa kaniyang kama at sinandig ang kanyang ulo sa headboard.
"I already excuse you to Emma.Everything is in good hands,"As expected from his father.Who will do everything for his wants and needs.
"Your mother just wants to see you,after a couple of minutes you can go back."
Hence let out a long sigh.
"I'm just going to change,"Hence decided to hang up the phone but suddenly his father spoke.
"Please be careful my son,"
Tawanan at kasayahan ang umalingawngaw sa Headquarters ng Unit B na pinamumunuan ni Kiro.
"Since you did a great job,meron akong regalo sa inyo,"
Lahat sila ay nagagalak sa sinabi ng kanilang leader.Pagkatapos nang hapunan ay napagpasyahan ni Kiro na bigyan ng munting regalo ang kanyang mga kasamahan dahil sa resulta ng kanilang nakuha.
Sinenyasan ni Kiro si Shin na kunin ang hinandaang regalo sa kanila.Tumayo si Shin at pumunta sa loob ng kanyang cubicle at dinala ang isang malaking kahon.Pinatong niya ito sa lamesa at sinenyasan silang buksan ang kahon.Binuksan ng mga kasamahan nila ang kahon at iba't ibang klase ng makabagong gadgets ang nakita nila.
“Omedetōgozaimasu(Congratulations to your hard work)," Bati sa kanila ni Shin at umupo pabalik sa kanyang upuan.
“Woah mukhang tayo palang ang may gadget na ito."Bakas ng pagkamangha ni Jeric na siyang strategist nang grupo.
“Yes,kakagawa lang yan last week alam mo naman na tayo lang ang advance sa technology.Anyway you deserve it,"
Lahat sila ay nagpasalamat sa regalo nina Kiro at Shin.
“Captain nabalitaan niyo na po ba ang nangyari kanina sa food court?’’
Napatigil sa pag-inom nang strawberry juice si Kiro sa tanong ni Jade.Tumango si Kiro sa kanya.
“Yup,I was there yung kina Pria at Hence pati narin ang pag-asar ni Jaxith kay Hence at Lance pagkatapos pinigilan siya nang pinsan niyang si Yvosia.Well..I saw it all." Napatango sila sa sagot ni Kiro.
“Naawa ako kay Captain Pria nag-effort talaga siyang mapataob lang ang kapatid nang dating kapitan nang kanilang unit para makapantay si Captain Hence kaso walang epek,"Saad muli ni Jade at isinubo ang pizza na inorder nila para sa kanilang mini celebration.
“Magaling naman na leader si Captain Pria,maganda na,sexy pa at higit sa lahat ay anak siya ng senador ewan ko lang kung bakit hindi siya pinapansin ni Captain Hence eh halos magkandarapa na ang ibang lalaki sa kanya.'' Natawa naman sila sa sinabi ni Vince.
“Problema na nila yun kaya wag na nating silang problemahin,"
The whole unit agreed to Shin’s statement.
“Actually I felt proud for Pria because she proved that being a girl is not a hindrance for being a leader," Kiro whispered to himself while caressing his chin.
Napatigil sila sa pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto.
“Captain Kiro may naghihintay sa iyo sa lobby at Co-lead Shin pinapatawag ka ni Professor Adreline.’’
Natuon ang kanilang atensyon sa babaeng pumasok sa kanilang head quarters na si Gigi ang tumatayong Herald o Public Information Officer nang kanilang grupo.
“Mukhang may chicks naman tayo captain ah.” Tukso sa kanya ni Jeric na kinatawa naman ni Kiro.Maliban rin sa pagiging kilala sa pagiging mabuting pinuno ay sikat rin si Kiro lalo na sa mga kababaihan.
“Sinabi mo pa,”Sagot ni Shin kay Jeric.Nasanhi nang kanilang pagtawa.
"Well...I guess kailangan na naming umalis.Kayo na bahala mag lock dito baka may pumasok.Have a good night also.”
Tinapik-tapik niya ang ulo ng mga ito habang sinambit ang kanyang salita.Napamahal ang mga estudyante sa Unit B kina Shin lalo na kay Kiro dahil sa mabait ito at malambing.Tinuring niya ang mga ito na parang tunay na mga kapatid.
"Tinawagan pala ako ni Twilight kagabi nakalimutan kong sabihin sa iyo.Kinakamusta ka niya kasi hindi ka niya matawagan kagabi,”
Saad ni Shin sabay pindot nang 2nd floor kung saan siya baba papuntang opisina ni Professor Adreline at ground floor kung saan baba si Kiro.
“Tatawagan ko siya mamaya,hindi man lang ako nakadalaw sa birthday niya,”
Ang tinutukoy ni Kiro ay ang 17th birthday ng nakababata niyang kapatid na si Twilight na naiwan sa probinsya.
“Maiintindihan niya rin iyon alam niya naman na bawal lumabas tayo nang campus.”
“Except kung anak ka nang mataas na opisyal.” Napatikhim si Shin sa sinabi ni Kiro.
Ting!
“Andito na ako, ingat ka sa pagbalik sa dorm mo.Chūi shite kudasai(Be careful).”
Hindi man naintindihan ni Kiro ang huling sinambit ni Shin ay alam niyang gusto niyang mag-ingat siya.
Ting!
Nang bumukas ang elevator ay lumabas na doon si Kiro at agad niyang nakita ang babaeng blonde ang buhok na galing sa unit D.
“Captain Kiro.”Sinalubong ng babae si Kiro nang mahigpit na yakap.
“Just drop the formalities Brielle,so where do you want to go before the curfew?”
Natawa ang babae sa kanya.Pinalibot ni Brielle ang kanyang kamay sa braso ni Kiro.
“Well I want you to walk me into my dorm,can you?”
Kiro raised his eyebrows and released a chuckle.
“Is that all?,sure.I'm going to walk you in your room safe and sound.”Umakbay si Kiro sa kaniya at nilakad siya sa direksyon ng dormitoryo ni Brielle.
Hence fastened his seatbelt as he arrived at the parking lot of the embassy.
Lumabas siya sa kanyang sports car at nilock ito.Inayos niya muna ang kanyang gray na blazer at white t-shirt sa loob.Tinakpan niya rin ang slit sa kanyang kilay.
Nakailang hakbang palang siya ay may biglang isang bala ang dumamplis sa kanyang mukha.Lumingon siya sa pinanggalingan nito at nakita niya ang isang tao na naka black na hoodie.
Kinapkap ni Hence ang kanyang bulsa at naramdaman niya ang kanyang baril.Kinuha niya ito at binaril ang lalaki.Ngunit laking gulat niya na walang patak ng dugo ang lumabas.
Tumakbo pa ito palapit sa kaniya at sabay labas ng isang kutsilyo.Linaglag ni Hence ang kanyang baril at saka dinakip ang kutsilyo sa lalaki.Pinaikot niya ito at sinipa ang likuran ng tuhod nito sanhi ng kanyang pagkaluhod.Sinakal ni Hence ang lalaki at hinawi ang hood nito.
“Shutting down.”
Pinakawalan niya ang robot na sumugod sa kaniya.Kinuha niya ang baril at tumingin sa paligid habang hinihingal at tumatagaktak ang kaniyang pawis.Tiningnan niya muli ang akala niyang tao na papatay sa kaniya.
Binuksan ni Pria ang kaniyang dorm at agad umupo sa kaniyang kama upang ihubad ang kanyang white knee-high boots na siyang bagay sa kanilang uniform.
Binuksan niya ang kanyang cabinet at sinuot ang kaniyang bathrobe.Umupo siya ulit sa kanyang kama at binuksan ang kanyang cellphone.Ilang minuto siyang nag scoscroll nang naisipan niyang maligo kahit gabi na.
Plinay niya sa kanyang speaker ang paborito niyang kanta.
Pumunta siya sa kanyang bathroom.Hinubad niya ang kanyang bathrobe at linublub ang kanyang sarili sa bathtub.
Umaagos ang tubig sa kaniyang porcelana at makinis na kutis.Ang ilalim na parte ng kanyang maitim at mahabang buhok ay nakalubog sa tubig.
Sumasabay si Pria sa kanta.Napabuntong hininga na lang siya nang maalala niya ang pagtalikod ni Hence kaninang umaga.
Hindi na bago sa kanya ang mga eksena na ganun sapagkat palagi na lang iyong ginagawa ni Hence sa kanya.
Maliban sa mahigpit na magkatunggali sa posisyon dati ang kanilang mga magulang ay hindi rin interesado si Hence sa mga nagkakagusto sa kanya.
Habang siya ay nakalublub sa kanyang bathtub ay may narinig siyang kaluskos.
Nagulat siya nang biglang mamatay ang mga ilaw.Hindi pa nag ka brown out kahit kailan sa buong unibersidad.
Kinuha niya ang kaniyang bathrobe at saka dali-daling sinuot ito.Hindi parin tumitigil ang kaluskos kaya sinundan niya ito.
“Ah!”
Napasigaw siya sa gulat ng may biglang humila ang kanyang buhok pabalik sa cr.Madilim ang paligid kung kaya hindi niya makita ang kanyang kalaban.
Tinulak siya sa pader ng kanyang kalaban sanhi ng kanyang pagka bunggo.Nararamdaman niya ang hapdi,hinawakan niya ang kanyang ulo at nararamdaman niya ang likido at alam niyang dugo ito.
Huminga siya ng malalim at inalala ang itinuro sa kanila na lumaban kahit naka blindfold ang mata.
Kinapkap ni Pria kung ano ang pwede niyang gamitin,may naramdaman siyang isang bagay na matulis.Kinuha niya ito at sumandig sa pader.Dahan-dahan siyang tumayo at minatyagan ang paligid.
Biglang may gumalaw galing sa kurtina nang bathtub.Hinigpitan niya ang pagkahawak sa matulis na bagay na kanyang nakapa at diretsong hinagis iyon sa kanyang kalaban.
Narinig niya ang pagbagsak sa sahig ng kanyang kalaban.Dali-dali siyang pumunta sa switch nang CR.She turned the lights on.
Napaatras siya nang nakita niya ang isang robot na nakahaya habang may nakatusok ang gunting sa kanyang dibdib.
Napaupo siya sa sahig at napahilamos nang kaniyang mukha.
"That was too close,”
Huminto sina Kiro sa tapat ng pintuan ni Brielle.
“And we are here now,”
Saad ni Kiro at tinanggal ang pagkakaakbay kay Brielle.
“You're really fun to talk with.”
Pareho silang natawa sa sinabi ni Brielle.Malayo narin ang narating ng kanilang kwentuhan.
Tinap ni Brielle ang kanyang finger print sa screen upang mabuksan niya ang kanyang kwarto.Ganito ang sistema sa unibersidad hindi sila gumagamit ng susi.
“Do you want to go inside?”
Tanong ni Brielle kay Kiro na nakasandig sa pintuan.
“No, it's fine-”
Hinila ni Brielle papasok si Kiro sa kanyang kwarto.
“Umupo ka muna, I'm just going to get you juice.”
Paanyaya sa kanya ni Brielle.Nanatiling nakatayo si Kiro sa sa loob.
“No,wag ka nang mag-abala,”
Pag-aayaw ni Kiro sa kanya.
"I insist,Kiro,”
Sa huli ay tumango na lang si Kiro at umupo sa sofa.Napansin niyang kulay pula at maroon ang tema ng kwarto ni Brielle.May mga art work at albums din ang naka palibot sa dingding.
“Here,drink this,”
Saad ni Brielle na hawak-hawak ang baso na may lamang pulang likido.Linagay niya ito sa mesa sa harap ni Kiro.
Tiningnan ni Kiro ang baso at kinuha ito.Bago niya isubo sa kaniyang bibig ay inamoy niya muna ito.Nabagsak niya ang baso ng naamoy ang Ricinus communis o castor oil plant na nakakalason.
“Why didn't you drink it?!”
Nagulat siya nang makita si Brielle na nanlilisik ang mga mata.
“May lason ang hinanda mo sa akin,”
Pilit na kinalma ni Kiro ang kanyang sarili.Tumayo bigla si Kiro.
“I'm going now.”
Hinarangan ni Brielle ang kanyang daraanan at tinutukan ng baril.
“DRINK IT OR I'LL SHOOT MY HEAD!”
Nagulat naman si Kiro nang tinutok ni Brielle ang baril sa kanyang ulo.Hinawakan ni Kiro ang magkabilang balikat ni Brielle.
“Brielle kumalma ka,okay,calm down,”
Mahinahong saad ni Kiro.
“I'M CALM DOWN,DRINK IT OR I'LL KILL MYSELF!”
"Brielle…"
"ONE"
"Kumalma ka"
"TWO"
"THREE!"
BANG!
Tumunog ang baril ng inagaw ito ni Kiro sa kaniya.
"DON'T TOUCH ME!"
Kinuha ni Brielle ang Swiss knife at sinibukang iturok ito kay Kiro ngunit napigilan ito ni Kiro.
"Brielle hindi ako nanakit ng babae!"
Napabitaw si Kiro nang sipain siya ni Brielle sanhi nang pagkadaplis nang Swiss knife sa kanyang palad.
Tumayo si Kiro at pinaikot si Brielle.
“Sorry Brielle but I need to do this.”
Kinuha ni Kiro sa kanyang bulsa ang laging naka reserba na panyo na may pampatulog.Tinakpan niya ang bibig ni Brielle gamit ito.Nang mawalan ng malay si Brielle ay kinarga siya ni Kiro papunta sa kaniyang higaan.
Linagyan niya ito nang kumot.
"Goodnight,"Saad ni Kiro ngunit napatigil siyang napansin na may umiilaw na pula sa noo ni Brielle.
Tiningnan niya ito at kinuha.
“Shutting down.”Nagtaka si Kiro kung bakit may nakalagay na microchipped sa noo ni Brielle.
"Card Detected,Co-lead Shin Koike."
Pagkatapos niyang i-swipe ang kanyang card ay naghintay siya na buksan ang office ni Professor Adreline.
“You're now allowed to enter the office.”Anunsyo sa kanya ng system.
Bumukas ang pinto hudyat na pwede nang pumasok si Shin.
Pagpasok ni Shin sa loob ng office ay kusang nag sarado ang pinto.
"Hello,Professor?"
Tiningnan ni Shin ang kuwarto ngunit walang tao.
Napasandig siya sa pader ng biglang namatay ang ilaw.
"Ittai nani ga okotte iru no?!(What the hell is happening)?!"
Biglang naglabasan sa mga pader ang mga numero at letra na naka kulay berde.
"c***k the hidden code in sixty seconds to survive.”
Anunsyo ng system sa kaniya.Napakurap nang ilang beses si Shin dahil sa sobrang sinag ng mga numero.
"Your time starts now"
Mas lalong bumilis ang paglabas ng mga numero sa pader.
"Kono heya wa wanaidesu(This room is a trap),”
Nilapag ni Yvosia ang mga libro na kanyang hinahanap sa malapad na mesa.Tahimik lamang ang paligid sapagkat siya lamang ang nag-iisa sa loob nang library.
Hindi na bago sa kanya ang mapag isa maliban sa kanyang mga magulang ay sa kaniyang pinsan na si Jaxith ay wala nang ibang tao ang interesado na makipagkaibigan sa kaniya.
Pare-pareho lamang ang opinyon ng mga tao sa kanya.Iyon ay weird and childish.Lumaki siya nang matalino,morena ang kutis at palaging piggytail ang buhok.
Yvosia has a IPD or Immature Personality Disorder.Pero sa kaso niya ay hindi ganoon kalala sapagkat ang magulang niya ay parehong psychologist.Ang laging bilin ng mga magulang sa kaniya ay kontrolin ang kanyang sarili.
Tumayo siya galing sa pagkakaupo dahil hindi pa nasagot ng mga libro ang kanyang katangunan.
Jaxith told her to study about how to make a strategy to defeat your enemy in a great way.
Pumunta siya sa pinaka sulok nang library baka mahanap niya doon ang libro na kanyang kailangan.
“Ways of Sherlock Holmes.”
Binasa niya ang title ng libro.Kinuha niya ito.Ngunit sa pagkakuha niya ay biglang nag c***k ang sahig at nag sanhi ito ang malaking buho na sanhi ng kanyang pagkahulog.
“Ahhh!”