MAG-ISA siya sa kanyang kwarto. Nang dumating siya doon ay ibinigay sa kanya ng Auntie Mila niya ang pinakamaliit na kwarto sa ikalawang palapag ng bahay nito. Hindi iyon kasinglaki ng kwarto nila Carmen. Tamang-tama lamang ang isang double size na kama, isang maliit na mesita at isang cabinet na lagayan niya ng mga gamit. Para sa kanya ay napakalaking pabor niyon dahil nagagawa niyang mag-isip at mapag-isa. Kagaya ng mga sandaling iyon. Kanina pa siya alumpihit sa pagkakahiga at kung magrereklamo lang ang higaan sa likot niya ay baka kanina pa siya naihagis niyon. Alam niyang tulog na ang lahat ng kasama niya sa bahay pero hayun at gising na gising pa rin siya. Ilang oras nalang at gigising na din sila Sonia dahil ang mga ito ang mamamili mamaya sa palengke. Ibig sabihin niyon ay malapit

