PAGKATAPOS ng gabing iyon ay tinanggap na ni Calixa ang katotohanang hindi na niya mapipigilan ang pagpasok ni Gilbert sa buhay niya. Hinayaan na niyang ligawan siya nito. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong ginawa nito upang lumambot ang puso niya dito. Pero nakita niya ang pagpupursige at ang kaseryosohan nito sa kanya. Magkagayon man ay nilinaw niya ditong hindi rason na porke pumayag na siyang hayaan itong ligawan siya ay maaaring sagutin niya ito. Para sa kanya ay naroon palang sila sa stage ng getting to know each other pero hindi pa din ibig sabihn na maging sila. Kahit na the feeling is mutual na. At hindi siya nagmamadali. Isa pa, kung talagang malalim ang pagmamahal nito sa kanya ay handa itong maghintay. Handa itong maghintay na dumating ang araw na magiging handa na ulit si

