“AUNTIE Mila ----.” Naputol ang mga susunod pang sasabihin ni Calixa ng makita niyang nagkukulumpunan ang mga kaibigan at si Auntie Mila sa bintana. Nakadungaw ang mga ito sa labas at tila may pinapanood. Nagtatakang tinungo niya ang mga ito. “Anong meron?” pukaw niya sa atensiyon ng mga ito. Sabay-sabay na lumingon sa kanya ang mga ito habang kilig na kilig. Nilapitan siya ni Carmen at saka hinila palapit sa bintana. Saka nakipagsiksikan kina Sonia at tiyahin kasama siya. “Cali, halika dali! May nanghaharana.” Pagbabalita nito. Tumaas ang isa niyang kilay. “Talaga? Sino naman?” tanong niya sabay dungaw sa bintana at nakiusyoso. Pagtingin niya sa ibaba ay si Gilbert kaagad ang nakita niya. Nagtama ang kanilang mga mata at kitang-kita niyang kasing sigla yata ng mga streets ang mata ni

