HINDI malaman ni Calixa kung maiinis o sisinghalan ba niya ang mga kaibigan maging ang Auntie Mila niya o magwo-walkout nalang siya. Pakiramdam niya ay na-trap siya sa gitna ng mga ito kay Gilbert. Wala siyang nagawa ng alukin si Gilbert ng tiyahin na sumama sa kanila para magsimba. Nasa mukha niya ang pagtanggi subalit nagpatay malisya ang kanyang tiyahin. Kilig na kilig at tuwang-tuwa pa ang mga bruhilda dahil pumayag naman si Gilbert. Sa tingin nga niya ay parang naka-jackpot pa ang mga ito sa lotto. Lalong nadagdagan ang tuwa ng mga ito ng ang sasakyan ng binata ang gagamitin nila papunta sa simbahan. Parang ngayon lang makakasakay sa magarang kotse ang mga kaibigan. Sa totoo lang ay ngayon lang naman talaga. Siya ay hindi iyon ang unang beses dahil ilang beses na siyang nakasakay sa s

