“HI CALI.” Masiglang bati sa kanya ni Gilbert ng umagang iyon. Nagulat siya ng bigla itong sumulpot sa harap ng bahay ni Auntie Mila. Araw iyon ng linggo at wala silang pasok. Ang hula niya ay alas siyete palang ng umaga. Sarado ang kainan kapag araw ng linggo. Nasa pinakababang baiting na siya ng hagdan sa dalawang palapag na bahay ng tiyahin. Lalabas siya para bumili ng pandesal malapit lang sa kanila. Ito ang bumungad sa kanya. Halos kapapasok lang nito sa mababang gate sa kanilang bakuran. Nahagip ng kanyang tingin ang hawak nitong bungkos ng mga pulang rosas habang hawak ng isang kamay nito ang isang kahon na sigurado siyang chocolates ang laman. Ferrero. Wow! Sandali siyang natakam sa mga tsokolate. Maging ang mabango nitong amoy ay hindi nakaligtas sa kanya kahit ilang hakbang pa a

