***********
"BESTF̶R̶I̶E̶N̶D̶"
ni Madam K ( iamkenth™ )
***********
Part5
- "The Plan"
*PEARL*
6:09 PM
I think this red car is following me. Scary kasi naman I remembered Wendell told me about the red car that hit Clif. Nagmamadali ako maglakad---nakakadalawang kalye na ako pero sumusunod talaga eh. Pwede rin namang---ito ang way niya but why parang karo ng patay---ang bagal. So sure akong sinusundan niya ako. Mabuti nalang more tao dito sa dinadaan ko---wait. Iyong huling kanto papunta sa amin, less tao doon. God!
Okay fine. Hindi muna ako uuwi sa amin. Pumasok ako sa isang Cafe shop. Umorder muna ako. Pwumesto ako medyo malayo sa glass wall pero from here nakita kong nagpark ang red car. God. Scary. What does it want from me? I took my phone--I stole a picture of that red car. Hindi ko maaninag ang plate number. Masyadong malayo. Hindi ko rin makita ang tao sa loob, sobrang tinted.
An hour have passed. Umalis na rin ang red car. Pero natatakot pa rin ako talaga. This is not just paranoia---nakakatakot talaga. Lumabas na ako ng shop. Alert pa rin ako sa paligid ko. I kept on walking until makarating na ako rito sa huling kalye---tumingin muna ako sa paligid. Nagmadali akong maglakad---then I heard a loud engine starting. Napatingin ako sa likod ko---My god! The red car again. Mabilis na itong umaandar---napaiyak na ako habang mabilis kong tinatakbo ang kalye. Nasa pavement naman ako---but I am still scared what if may gun siya and shoot me. I'd be dead before I got out of this street.
But thank God. Nakarating ako sa dulo. Crying---lumiko na kaagad ang red car. Medyo naaninag ko ang driver. But in my fear, hindi ko nakita ang plaka. It's a red mustang. Who's that guy? Anong kailangan niya sa akin.
*****
*WENDELL*
"What happened to you? Sinong may gawa niyang sa iyo?" Nag-alalang tanong ko sa kaniya. Pumasok kami kaagad sa room. May black eyes siya, namamaga ang mukha niya--sugat sa labi. He looked awful. Malayong malayo sa gwapong si Greg---but of course I still care for him. May benda siya sa noo. Tinatawagan niya raw ako kanina pa--nag riring naman daw phone ko pero hindi ko sinasagot kaya nagpunta siya rito. Nasabi ko sa kaniya na nawawala ang phone ko. He even tried to call it again, nag ri-ring pero wala sa kwartong ito. Nasaan iyon?
"Hindi ko alam--hindi ko kilala. Akala ko papatayin na niya ako o balak niya talaga akong patayin. Nagising nalang ako, nasa hospital na ako kanina. Dumaan na rin ako sa Police station para mag-report." Paliawanag niya sa akin. That explain kung bakit hindi siya nakapunta rito--nasa labas na pala siya, hindi lang siya nakapasok.
"God. Thank God you're still alive. Wala raw bang nakita? CCTV? May CCTV sa labas." Sabi ko. Kahit sinira ng kung sino man ang mukha ni Greg, he's still Greg. These wounds and bruises will heal naman---but itong tahi niya sa lower lip at upper left brow---it would take time.
"Walang kwenta ang CCTV dito sa inyo--sira. Naiinis ako dahil hindi ko man lang siya mamukhaan. Pero kung babalikan niya ako kung sinoman siya--lintek lang ang walang ganti. Putang ina talaga. Hindi safe dito sa lugar mo Wendell, kung ako sa iyo lumipat ka na." Sabi niya. He sounds he cares for me at the same time. He is mad.
Una si Cliford now si Greg.
"Pwede bang dumito muna ako kahit isang linggo lang Wendell. Magmamasid masid din ako, baka sakaling mapadpad ulit iyong gagong iyon dito. Alam kong babalikan ako noon eh." Sabi niya.
"May nakaaway ka ba?"
"Wala kaya nga blanko ang isipan ko. Kaya panigurado isa mga tarantado dito sa lugar mo iyong bumanat sa akin. Matiyempuhan ko lang siya talaga---nagkamali siyang di niya pa ako tinuluyan." May galit siya sa pananalita niya. I have never seen him mad like this before.
"Baliw ka talaga. Huwag ka nga magsalita ng ganyan. Hayaan mo ng mga pulis humuli sa taong may gawa sa iyo niyan. Ang importante, okay kana. Okay ka."
"Hindi ako okay Wendell. Kaya nakikiusap ako sa iyo---dito muna ako, isang linggo lang."
"Okay fine. Fine. You can stay here. May mga damit ka pa naman dito eh. Please stay away from trouble." Sabi ko. Pero syempre, alam kong iba ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito ngayon. Ramdam na ramdam kong gusto niya talagang gumanti eh. Pero kanino? Sino?
"Salamat, uhm.. pasensya ka na ha? Hindi na gwapo boyfriend mo." Sabi niya--then he smiles.
"Sino ba may sabing gwapo ka?" Pabiro kong sabi. Pinalapit niya ako sa kaniya--he hugs me. I hug him back.
*****
*GEOMAR*
12:08 A.M.
Umuulan sa labas. Malakas. Kanina pa umuulan---pero naiinitan ako. Nag-iinit ako kaya naman nakasalawal lang ako. Binuksan ko ang ref upang kumuha ng malamig na tubig. Madilim sa kwartong ito at tanging liwanag lang ay ang laptop ko na nakabukas---pinunuod ko ang videos ni Wendell na kinopya ko mula sa phone niya. Birthdate niya ang password niya---at nakalagay sa f*******: niya ang birthdate niya. Panay may tumatawag sa phone niya mula noong kinuha ko ito sa kaniya.
Maiikli lang ang mga videos niya. Pinauulit ulit ko lang---sa ganitong paraan parang nandito na rin siya sa loob ng kwartong ito. Nakatayo ako sa harap ng laptop ko habang umiinom ng tubig.
Napatingin ako sa phone niya---may nagmessage na naman sa kaniya. Number lang ito pero panay ang text sa kaniya.
[ Wen. r u still awake? pls talk to me. pls ans my call. ]
Mula pa kahapon--nakaka-20 messages na siya at 30 missed calls. Sino ka ba sa buhay ni Wendell? At lagi niyang nababanggit si Greg sa mga texts niya.
[ incoming call... ]
Dinampot ko ang phone---sinagot ko na ang tawag. Pinakinggan ko lang nasa linya.
"Mabuti naman at sinagot mo rin. Hindi ako makatulog gabi-gabi, nababalisa na ako kakaisip--halos araw-araw. Wendell. Kasama mo ba ngayon si Greg? Hindi pa siya umuuwi ilang araw na--nag-aalala na ako sa kaniya. Alam kong ikaw lang ang pupuntahan niya." Boses babae ito. Sa tono ng pananalita niya--para siyang umiiyak. Masarap pakinggan sa tainga ang mga tila nagmamakaawa niyang boses, "...Wendell, nandiyan ka ba? Magsalita ka naman oh. Nandiyan ba si Greg? Gusto ko siyang makausap." Patuloy itong nagsasalita.
Hindi ko naman napatay si Greg. Pero kung wala lang tao na dumating---baka nasa kabaong na siya ngayon. Siguro naman sa ginawa ko sa kaniya---hindi na siya babalik pa kay Wendell. Hindi na siya maaaring lumapit pa kay Wendell at kung sino man itong babaeng ito na naghahanap sa kaniya---maaari ko siyang magamit para tuluyan na niyang layuan si Wendell.
Isang plano ang pumasok sa isipan ko. Hindi ko pa ito nagagawa--pero para sa ikabubuti ng nalalapit naming paglalapit ni Wendell gagawin ko ito---ng walang sablay. Gumuhit ang malademonyong ngiti sa aking labi. Ibinaba ko na ang phone at hinayaan ko lang na magsalita ang babae---muli kong ibinaling ang mga mata at pandinig ko sa video ni Wendell.