Part 4: "Assult"

1801 Words
*********** "BESTF̶R̶I̶E̶N̶D̶" ni Madam K ( iamkenth™ ) *********** Part4 - "Assult" *Wendell* 8:17 AM "ANG sabi niya pupunta raw siya. Mabuti nalang at hindi ako naghintay talaga. Natulog lang ako." Sabi ko kay Pearl. Nandito pa kami sa kwarto namin. And I am looking for my phone. "I would not worry, as if naman kagabi niya lang ginawa iyon sa iyo. At isa pa, you're in good terms na pala ulit sa kaniya. Bakla ka talaga." Sabi niya, nakaupo siya sa kama ko--may hawak na salamin, nagpapaganda. Well, tinitignan niya lang kung maganda ba siya. "Nagpunta lang siya dito... iyon lang." Sabi ko. He rolled his eyes and puffed his lips. Tumigil ako sa paghahanap at pumamaywang ako, "...nasaan na ba iyon? Saan ko ba nilapag?" "Ano ba kasi iyong hinahanap mo?" Tanong niya. "Iyong phone ko. I told you, tumawag siya sa akin kanina---then right after we talked. Inilapag ko lang ang phone ko rito." Sabi ko. Sinubukan kong silipin ang ilalim ng kama---tinignan ko na rito, pero tinignan ko lang ulit. Wala talaga. "Alam mo feeling ko ha, feeling ko lang--hindi talaga siya tumawag. Nananaginip ka lang and somewhere yesterday, nawala mo iyong phone mo. Simple as that." "Feeling mo? Feelinger ka talaga. No. Sure ako---" Hmmm, panaginip lang ba iyon? Kasi if ever man na nasa door na si Greg kanina, kakatok siya kung di ako nagising sa call niya. Medyo natatakot na ako ha. Kahapon may kumatok ng ubod ng lakas wala naman tao tapos ngayon iyong phone ko naman nawawala. "Alam mo mamaya mo na hanapin iyan phone na iyan no. Pero sure akong nawala mo iyon yesterday. We have to go na, anong oras na oh." 8:45 AM Kapapasok lang namin dito sa school. Walking distance lang from the appartment. 15 minutes in a normal walk, pero dahil sa mabagal kami maglakad--minsan inaabot ng 20 minutes walk or more than. Naghiwalay muna kaming dalawa. Napatingin ako sa bulliten board. More orgs ang nag-iinvite to join them. Napatingin ako sa isang post: Lihim Ni Maria. Bakla ang hinahanap nilang gaganap as Maria. Why? Ano bang plot nitong kwentong ito. "Bakit hindi mo subukan. Malay mo makuha ka." Sabi ng lalaki na may pamilyar na boses mula sa likod ko. Napalingon ako--- "Gio. What are you doing---dito ka papasok?" Tanong ko. God, he still look handsome. At hindi nakakasawang pagmasdan ang kagwapuhan niya. At this time sobrang lapit niya sa akin. "Ah oo. Alam kong dito ka rin... nalaman ko sa ID mo kahapon. Maliit lang naman itong school kaya alam kong makikita kita kaagad dito. Mabuti at may kakilala na ako kaagad. Wendell?" Sabi niya. Tumango ako. Tumingin siya sa mga naka-post sa bulliten board-- crossed his arms. Ang laman ng mga braso niya. At ang chest niya--so prominent. Tumingin siya ulit sa akin. "...sali ka sa play. Samahan kitang mag-audition gusto mo?" Bigla akong napailing, "I'm not really good in acting. And don't think I would fit for the role." "Bakit hindi ka ba bakla?" Tanong niya. Well, yes I am gay but asking if I am bakla. Medyo---ewan. How should I react ba dapat? "...ah pasensya na. Akala ko kasi.. ganoon ka. Pasensya na pre." "No--no no. Medyo naloka lang ako sa tanong mo. Hmmm, hindi nalang siguro." Sabi ko. "Maiba ako---tapos mo na lakarin mga papers mo?" "Oo. Medyo napaaga kasi ako rito kanina." NAGLAKAD-LAKAD muna kami. I actually toured him sa school. He looks fine na may kasamang bakla--parang wala lang sa kaniya. May mga napapatingin sa kaniya pero parang wala siyang ibang nakikita---parang ako lang. I don't know if it's just me or ganoon talaga. I asked him kung anong province niya. Lucena. Course na kinukuha niya is same with mine. May mga subject na magiging magkaklase kami, hindi lahat kasi--irregular siya. Umupo muna kami sa bench. "Salamat Wendell. Napakabait mo sa akin." Sabi niya. I just toured him and talked to him. Mabait kaagad? Yeah mabait ako pero hindi ko alam na ganoon ako kabait. "Sure, no problem." "Friends?" He asked... friend? To be come his friend? "Yeah. Of course, friends." Sagot ko. Nag-shake hands kami ulit. "Kahit sino namang lapitan mo siguro, magiging mabait sa iyo." Sabi ko. "Hindi rin." Sabi niya---the he paused. Napatingin siya sa akin ng matagal. Then he smiles. What was that? Iniwas ko tingin ko sa kaniya. Napatingin ako sa knuckles niya, may bruises. Namumula---kapansin pansin kasi may kaputian siya. "Ano nangyari sa kamay mo?" Tanong ko. Bigla siyang napatingin sa kamay niya. "Ah ito ba? Napalakas suntok ko sa punching bag last night." "Ah so you're doing boxing?" "Minsan lang. Kapag---gusto ko. Lalo kapag gusto kong maglabas ng sama ng loob, iniisip ko na iyong punching bag ang problema ko." He sounded a bit serious. Then from a far nakita ko si Pearl and he sees me too. Lumapit siya sa amin. Natulala siya sa kagwapuhan ni Geo so pinakilala ko sila sa isa't isa. Strange kasi hindi siya nakipag-shake hands kay Pearl at parang---hindi siya intersado. Nagpaalam na siya sa akin na kailangan na niyang umalis at may pupuntahan pa raw siya. LUNCH at the cafeteria. "Nalingat lang ako saglit may bago ka ng lalaki ha. At ang gwapo ha. Lapitin ka talaga ng mga gwapong lalaki---ano bang meron ka bukod sa pera?" "Gaga, pera ka diyan. Ganda lang no. Tsaka I don't think he needs money---yayamanin ang lolo mo. Sa Crows siya tumutuloy kaya. At sabi niya pa sa akin, wala raw siyang kasama sa room niya. Meaning he's paying for the whole room alone." "Rich kid nga." Sabi niya then he eats some pasta muna, "...but you know what they say, looks can be deceiving. Kagaya ng jowa mo, gwapo kasu piniperahan ka lang." "May galit ka ba sa mga gwapos?" "Hindi sa ganoon, pero to think no... feeling ng mga gwapong yan entitled silang manloko ng feelings ng mga babae at baklang kagaya natin." "Huwag mo namang lahatin. Grabe ka." "In my own opinion lang naman no. Hmm, natikman mo na ba si Gio?" Tanong niya. Medyo nabilaukan ako sa tanong niya. "Woy ano ba yang tanong mo... syempre hindi pa no. Charot." "Charot sa hindi pa! Hahahaha." Nagtawanan kaming dalawa. "Tsaka, friends lang kami." Sabi ko. Tinapos namin ang kinakain namin then tinapos na namin ang lahat ng dapat tapusin. Umuwi na rin kami kaagad. 6:07 PM Sa dulo ng corridor, sa tapat ng pintuan ng kwarto. Nakita ko kaagad si Greg. I know it's him kahit pa naka-hood siya. He looks at me. God what happened to his face? **** *GREG* 2:53 AM Putang ina nahihilo na ako. Hindi ko alam kung makakauwi pa ako sa bahay nito. Uhm, tama--malapit lang dito ang inuupahan ni Wendell. Sa kaniya nalang ako ulit makikitulog--hindi naman makaka-hindi sa akin ang baklang iyon. Kaysa naman sumama ako sa mga baklang 'to na kasama ng mga tropa. Mas gugustuhin kong kay Wendell nalang magpa-c***a mamaya magkaka-pera pa ako. Papangit ng mga baklang 'to. Nakakadiri. Puta. Okay na ako kay Wendell---atleast mukhang maamong bakla at pang babae ang labi---kaysa sa mga 'to puta parang mga sinumpa ng kapangitan. Tong mga tropa ko, walang wala talaga kaya sa mga pangit na bakla dumidiskarte. "Greg dito kana matulog. Tabi tayo." Sabi nitong mukhang unggoy na ewan ko kung anong pangalan niya. Ako iyong tipong kapag nalasing---pumatol man ako sa bakla sisiguraduhin kong hindi ganitong itsurahin. Mukhang nginudngod sa basura ang mukha ng isang 'to. "Ah salamat nalang. Uuwi ako. Kaya ko pa naman---pero magpapaiwan naman tong mga tropa ko. Sinamahan ko lang naman talaga sila." Sobrang nahihilo na talaga ako. Parang may nilagay na kung ano tong mga baklang to sa iniinom namin eh. Iyong mga tropa ko, bagsak na. Ako malapit na. Lima kami, tatlong bakla. "Pre, dito na tayo matulog. Magpa-umaga na tayo." Sabi ng isang tropa. "Kaya niyo na rito. Basta ako uuwi ako." Tumayo ako--pero umikot talaga ang mundo ko. Napaupo ako ulit sa kinauupuan ko. Napahawak ako sa ulo ko. Hinawakan ako ng isang bakla---hindi lang basta hawak, pinagsasamantalahan na ako. Hindi ko na kasi talaga kaya pang katawan ko---ang buong sistema ko, nilamon na ng alak. Pinilit ko pa rin makatayo at inilayo ko sa akin ang bakla, "...lalabas lang muna ako para magpahangin." Sabi ko. Kahit hindi ko kaya, kakayanin ko nalang. Ilang bote palang naman naiinom namin---alas dose kami nagpunta rito pero iba ang tama ng alak---may hinalo talaga tong mga baklang to. Nagawa kong makalabas ng bahay. At wala na akong balak bumalik pa sa loob. Dinukot ko phone ko sa bulsa ko. Hinanap ko ang number ni Wendell. Dial. Ringing... Sagutin mo na beh. Sige na. "Greg... napatawag ka? Alam mo ba kung anong oras na?" Boses ni Wendell. Halatang nagising ko talaga siya---hina ng boses niya. "Pwede ba akong ulit makitulog diyan sa iyo. Sige na. Malapit lang ako sa board mo eh." Sabi ko. "Nasaan ka ba? Lasing ka ba?" "Nakainom lang--medyo nahihilo na ako, hindi ko na kasi kaya pang makauwi sa amin eh. Kaya baka pwedeng diyan nalang ako muna makitulog ulit." "Okay okay, sige pumunta ka rito. Tumawag ka nalang ulit kapag nasa pintuan kana, huwag kang kakatok bago mabulabog mo si Mrs. Go." Sabi ko na nga ba, hindi ako hihindian ni Wendell. Hinimas ko t**i ko---mapapasubo ka ulit mamaya. Sumakay ako ng dyip. Hindi ako pwedeng makatulog kaya minumulat ko ang mata ko kapag napapapikit ako. Wala naman traffic kaya wala pang 5 minutes nasa kanto na ako papuntang board ni Wendell. Wala ng katao tao--sobrang tahimik. Lumapit ako sa isang poste at---dinutdot ko ng daliri ko ang bibig ko para masuka ako. Pagkatapos kong sumuka---inilabas ko ang t**i ko para umihi. Kapag ganitong nakainom ako, sarap magpa-c***a kay Wendell. Mamaya lang, ipapasubo kita kay Wen. Medyo tinitigasan na ako---naiisip ko palang. Ipinasok ko na ang medyo tumigas ko ng t**i sa loob ng shorts ko nang bigla may humampas sa ulo ko. Natumba ako sa mismong suka at ihi ko. Putang ina. Napahawak ako sa batok ko---may dugo. s**t---s**t. Nanlalabo ang paningin ko---basta may nakikita akong tao sa harapan ko---lalaki---nanlalabo na paningin ko talaga. Puta! Hindi pa ako nakakatayo bumulagta ako ulit sa suka ko---sinipa niya ang mukha ko. Hindi ako makapagsalita--nanghihina ako---hindi ako makalaban sa putang inang to. Naramdaman kong---pinitsahan niya ako at pinagsusuntok ang mukha ko. Pinipilit kong ikubli ang mukha ko---pero wala akong makagawa. Nginungodngod niya ang mukha ko sa suka ko. Hindi ako makalaban. Sino ba tong gago na ito? Tumigil na siya sa p*******t sa akin pero naramdaman kong parang may tubig na bumubuhos sa mukha----PUTANG INA iniihian niya ako! Tatayo sana ako---pero kitang-kita ng dalawang mata ko na hahampasin niya ako sa mukha ng baseball bat---- blanko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD