*GABRIEL* 5 Days Later ILANG araw na akong hindi kinakausap ni Wendell. Walang text o tawag akong naririnig natatanggap mula sa kaniya. Pinuntahan ko rin siya sa Lopez pero parang ayaw na niya akong makita o makausap man lang. Kaya naman, sinusubaybayan ko nalang siya. Pagkatapos noong mangyari kay Greg---nagbago bigla ang pakikitungo niya sa akin. Gusto ko siyang kausapin pero iniiwasan na niya ako. Nakikita ko siya na kasama na niya ulit ngayon si Geomar. Hindi ko naman basta pwedeng dakipin si Geomar dahil wala pa rin akong matibay na ebidensya laban sa kaniya---wala na rin ang pag-asa na madiin siya dahil patay na si Greg Montano. Para sa pamilya ni Jenny, Maricar at Brian at ng pinatay niyang katrabaho sa warehouse---nakamit na nila ang hustisya sa pagkawala ng mga ito. Ang tang

