A handsome but an arrogant Stranger
You are too foolish Diana! Bakit naniwala ka naman sa pinagsasabi ng boyfriend mo, ayan tuloy nganga ka naisahan ka nainiwan ka pa! Kulang na lang batukan niya ang bestfriend niya ng sampung taon, magkaklase sila since elementary sa isang ekslusibong eskwelahan pero ito hindi ginamit ang utak atnagpakatanga sa pag-ibig kaya ngayon akala mo ay iniwang kuting sa kalsada na nagngangangawa
maghapon.
Wow ha salamat sa pagdamay besh ha, sarkastika nitong sabi sabay ngawa ulit. Palibhasa ikaw palit ka lang ng palit ng boyfriend, walang nagtatagal sayo kaya di mo alam ang pakiramdam ng
nakaisang taon kayo tapos biglang hindi na magparamdam matapos mong ibigay ang lahat.!!!
Sabay atungal ulit nito.
Sira ka pala eh, sinuko mo ba naman iyang bataan mo eh di amanos na after nun wala na nanawa na sayo!
Alam mo besh kaya di ako nagseseryoso sa buhay kasi lahat ng lalaki katawan lang ang habol ng mga iyan. Akala siguro nila once na sinagot sila ni Lian Krista Fuentabella ay makukuha na nila ang lahat ng mayroon ako...No way! Once na bumaba sa leeg ko ang halik tsupi ka na!
Weh di nga! Bakit andami niyayabang ni Arnold sa mga kaklase niya noong isang linggo na
nakaiskor na daw siya sayo.
Ah basta bahala sila. Hindi ko kailangang magpaliwanag sa lahat, at pinaikot ang mga mata.
Ganun siya hindi niya kailangan iexplain ang sarili, kasi alam niya kung sino siya at wala siyang pakealam sa sasabihin ng ibang tao ukol sa kanya, maging ang kanyang lolo at mga magulang.
Whatever besh, saka umiyak ulit.
Hay Diana Bettina, walang mangyayari sa iyo diyan kung iiyakan mo lang yang ex mong
manloloko. Dapat patunayan mo namarami pang lalaki sa mundo, payo niya dito.
Sa mansyon ng mga Fuentebella...
Where have you been iha?
Gabi na ah ,uwi ba iyan ng matinong babae? bungad ng daddy niya.
Hay nagsimula na naman po sila at nirolyo ang mga mata. Wala sana siyang balak sagutin at
aktong aakyat na ng magsalita si Don Edmundo Fuentabella ang kanyang lolo na isa ring strikto pero
bata pa ito kung kumilos sa edad na 70 at ito pa rin ang may hawak ng Fuentabella Group of Companies.
Well, let her rest Emilio at makahulugang tinitigan nito ang daddy niya at mommy.
As usual, tikom na naman ang bibig ng mommy niya.
Thank you lolo. Goodnight po! at Goodnight mom and dad, baling niya sa dalawa.
Kumain ka na ba iha? Sunod na tanong nito.
Don't worry lo, tapos na po.
Kahit pasaway siya ay spoiled talaga siya ng Lolo Ed niya at laging tiklop ang Daddy niya kapag
pinagtanggol na siya ng abuelo.
Kakaligo lang niya nang magvideo call ang isang barkada at niyaya siyang maghang out sa bar
ngayong gabi. Mukhang kailangan na naman niyang tumakas ah.
Dating gawi Krisha, sabi niya dito at pinatayan na ito. Nilabas niya ang kanyang black
leather outfit at boots, as usual aawra na naman ang lola mo! at sinipat ang sarili sa salamin!
" Perfect"sabi niya sa sarili.
Madaming kalalakihan ka na namang paglalawayin sa bar Lian, bulong niya sa sarili.
Alas diyes na noon ng gabi at nagdahan dahan siyang lumabas.
Mabuti na lang tulog na naman si Manong guard, ilang gabing tuwing tumatakas siya na tulog na
tulog ang guwardiya nila sa guard house nito. Nagmadali siyang naglakad at dating gawa paglabas sa kanto naroon
na ang red sports car ng kabarkadang si Krisha isa ding anak mayaman. Ganito lagi ang style nila kapag may night
life maglalakad lang siya palabas ng bahay at ilalock ang gate para di halata na umaalis siya dahil nagpaduplicate siya nito nang minsan hiramin niya ito kay Manong guard.
Daanan natin ang lola Diana mo brokenhearted ang peg, maghapon lang siya umatungal
ng umatungal sa condo niya kaya ako ginabi paguwi kanina.
Why? Hiwalay na sila ni Raymond Daku, sabay halakhak nito.Nagkuwento kasi ang loka
okang kaibigan nila ng isuko nito ang sarili sa boyfriend at dinetalye pa nito na natakot nga daw ito nang
makitang tumayo ang Daku ng bf.
(Kakaloka talaga si Diana, sa kanila kasing tatlo ito ang pinakaseryoso sa life at mahinhing kumilos
pero ambilis bumigay.)
Ano pa nga eh di nahuli niya sa condo noong isang araw na may kamomol na ibang girlash!
Ambaboy naman nun! Sabi ni Krisha. Need ng freni natinmag-inom at magwalwal para makalimot.
True kaya bilisan mo na friend!
Nang madaanan si Diana sa condo nito, pinilit pa nila itong sumama sa kanila at mabuti naman
natakot itong iuunfriend nila pag di umayos sa sarili at sumama sa kanila.
Sa isang exclusive bar sila pumasok na tatlo. Naglalakad pa lamang sila papasok ay mayroon ng
mga matang nakasunod sa kanila at nagpapahiwatig na. Maingay ang paligid at kabi kabila ang mga
magjowa na alam niyo na wild sa gilid gilid.
Lumapit sila sa grupo ng mga kabarkada ni Krisha sa ibang school, at may mga kasama itong
mga boys na mukhang may sinabi din sa buhay. Pinaupo sila ng mga ito at inabutan agad ng tequila.
Siyempre fight lang agad ang dalaga dahil sanay siyang uminom but hindi naman siya hard drinker
occasional lang. Gayundin ang dalawang kasama. May kanya kanya palang mga kapartner ang
mga kasama nila at may tatlong sobra na parang alam na niya kung bakit. Mahilig kasi si Krisha maki
hang out sa mga boys pag nasa bar ito. Pero magkaiba sila nito, Trisha is too liberated and she can afford
fling fling with touch and sometimes with pleasure. Marami na itong naikuwentong karanasan.
But siya never siyang nag open ng ganun sa mga ito, even ang tingina kanya sa school is liberated,
because she often change her boyfriend, but hinahayaan lamang niya ang iba sa iniisip as long as she know herself
and self worth. Campus Goddess nga ang bansag sa kanya sa school, she has the long length brown hair, with a
beautiful nose tip and a soft red lips even without lipstick and a brownish eyelid and a perfect eyebrows, lahat daw ng
katangian namana niya sa Half Spanish na namayapang lola niya kaya ganun na lang siya iispoiled ng lolo niya.
Not to mention her clear complexion and a sexy curved hips ang a very small tummy that compliment her waist and perfect long legs.
( Wow ha sobra ng papuri ang ginawa sakin ng writer???)
Mukhang tinamaan na ang mga kaibigan, nagiging clingy na ang mga ito sa mga katabi. At naku
mukhang ang broken-hearted na kaibigan nalimutan nang kaiiwan lang dito ng bf...
Siya heto mukhang tipsy na din, papunta kasi siya ng powder room and this guy na katabi niya is following her. Nang malapit na siya sa powder room, hinawakan siya nito.
Ms you're so sexy! Bulong nito sa tainga niya na nagpatayo ng balahibo niya, hindi dahil nakiliti siya
kundi nandiri siya. Ayaw niya nang mga ganitong stage sa lalaki.
Manyak! Sampal niya dito.
Akmang hahalikan siya nito ng bumaligtad ang mukha nito sa sahig.
Napatingin siya sa lalaking sumapak sa nambastos sa kanya at my goodness, he's perfect, ang
jawline, ilong nito at mga mata na tila nakakatunaw. Parang malalaglag ang panty niya eh.(Joke !!!)
Akmang sasapakin pa ito ng gwapong lalaki ng tumakbo na ito palabas ng bar.
Ahmm salamat pala Mr.pupungay pungay na sabi ko sa kanya.
Aba Ms , sa susunod kasi huwag magsuot ng sobrang iksi para hindi nababastos!
Ang sungit naman guwapo sana kaso daig pa ang babaeng may buwanang daloy My God! He's getting into my nerves! Akmang tatarayan pa lang niya ito nang talikuran siya nito at iwang nakanganga.
ANDREW KURT SALCEDA POV
I came here sa bar para magrelax, ilang buwan na din kasi akong hindi nakakapag unwind man
ang dahil na rin sa nature ng
trabaho ko.I am one of the Top
Secret Agent na nagtatrabaho
mag-isa wala akong
pinagsisilbihang senior officers ako
ang boss ko at ang mga kliyente
ko na usually ay matatas na opisyal
ng gobyerno.
Pagpasok ko sa ekslusive na
bar na ito ay pumunta agad ako sa
counter para doon pumuwesto as
usual favorite spot ko iyon dahil
nag-iisa lang naman ako kapag
ganito. Sinalinan ako ng bartender
ng alak sa baso, and hmmm nakaka
relax nga naman ang paminsan
minsan ay makatikim ng hard drink.
Maya maya may napansin akong
grupo ng mga kabataan na maingay
and there these three girls na
parating papunta sa grupong iyon.
Bawat isa ay may partner sa mga
ito, and this one girl has caught my
attention(hmmm mamaya ko na
iispill ang dahilan).
She's pretty gorgeous and
hot at the same time, but mukhang
liberated ito sa iksi ng damit nito
kaya lahat ng dinaanan nito kanina
ay hindi pinalagpas ang pagtitig
dito.
Mukhang nakainom na ang
mga kasama nito maski ang
katabing lalaki nito dahil medyo
padikit dikit na ito sa babae. Nang
tumayo ito, sumunod ang lalaki
mukhang sa CR ang punta nito.
So sumunod siya, curiosity
hits him, and then hayun nga ang
lalaki tuluyan nang nilamon ng alak
ang isipan at tangkang hahalikan
ang babae, ngunit mukhang ayaw
naman siya nito. So ayun sinuntok
niya ang lalaki. Uulitin pa sana niya
pero tumakbo na ito, natakot siguro
sa bigat ng kamao ko. Ikaw ba
naman ang banat sa training at
totoong aksyon wala na lang ang
kaunting suntok na iyon.
Binalingan ko ang babae, at
doon ko natitigan ang maaamo
nitong mukha sa kabila ng
pananamit nito.
Nagpasalamat ito sa akin.
Sa susunod kasi Ms. huwag
nagsusuot ng maiksi para hindi
nababastos ang sabi ko, sabay
talikod ko.
Lumipat lang ako ng pwesto at
hindi pa talaga ako nakakapagrelax
at heto ako may nasuntok na.
Lumalim ang gabi at tila wala
pa din balak umuwi ang mga grupo
ng kabataan na iyon maging ang
babaeng kanyang tinulungan at lalo
pa naging wild ang mga ito. Nasa
gitna ang mg ito at nagsasayawan
na para bang walang bukas na
iniisip ang mga ito.
Pasado ala una na nang unti
unting mag-alisan ang mga ito,
kanya kanyang kasama at tila
alam mo na kung saan ang
susunod na patutunguhan. Pero
napansin niya ang isang babaeng
nakadukdok na sa mesang
kinauupuan at parang alam na niya
kung sino ito...ang babaeng
tinulungan kanina lang.