I Have To Binuksan ko ang makina ng sasakyan at pinadyak-padyak ang gas para umingay. Sabi ni Take ay dapat ko raw itong gawin para uminit ang makina bago magsimula ang race kaya ginawa ko. Nakahawak lamang ako sa manubela habang mariing pinagmamasdan ang paligid. Kabilang ako sa first batch ng car racing at anim kaming maglalaban. Nakapuwesto narin ang kani-kanilang sasakyan na ngayon ay nagiingay din. Inayos ko saglit ang seatbeat ko. Nakita kong may babaeng halos wala ng saplot ang lumakad patungo sa gitna at may dalang revolver. Sabi, hudyat naraw na simula na ng race sa oras na bumaril siya paitaas. Mas lalo kong pinadyakan ang gas dahil sa excitement. "Focus on the road, Yohan." Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang mga binilin sa akin ni Takeo kagabi. Tinuro niya sa akin ang mg

