CLINGY Mabilis kong hinugot ang dagger sa bulsa ko at walang awa itong sinaksak sa leeg ng natitirang assassin na kalaban ko. Sumirit ang dugo nito at natalsikan din ang ilang parte ng katawan ko pero hindi ko iyon ininda. Walang wala pa ito sa ginawa ko noon. Tinignan ko ang trentang assassin na ngayon ay wala ng buhay na nakahiga sa lupa. Winston and Kaizen are not around. May inutos ako sakanila sa Manila. Babalik din siguro ang mga iyon kinabukasan. Mabuti narin iyon at walang Winston na makikialam sa akin. Bumaling ako kay Prime na prenteng nakahalumbaba sa kaniyang tuhod na parang naboboring sa kaniyang pinapanuod. Kanina pa siya nandito pero hindi manlang ako tinulungan although hindi ko kelangan non. "Dumarami ang pataba natin sa lupa ah?" - sabi ni Prime matapos magunat unat.

