Nakasimangot si Kevin habang nakaupo sa single couch dito sa may garden. Ang mga babae ay nasa may terrace naman. Kasalukuyan silang umiinom ng whiskey. "Ganya ba talaga pang na-inlove, nawawala sa sarili?" rinig niyang sabi ni Kenneth. Hindi niya ito pinansin bagkus tinungga ang baso niyang may alak. "Uh-huh! Lq agad-agad?" komento naman ni Dominic. Sinamaan niya ito ng tingin na tinawanan lang ng huli. "Do I look like I'm inlove?" wala sa sariling tanong niya. Natahimik naman ang mga naroon. Sumandal siya sa kinauupuan na para bang sobrang bigat ng dinadala. "Do you want me to answer your question, apo?" tanong ng lolo niya kaya napabaling siya rito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. "Can you, lolo?" tugon niya. Gusto niya malaman ang sagot para alam niya ang gagawin. Inaami

