Naghihikab si Ada habang nakaharap sa kanyang computer. Limang oras lang 'ata ang tulog niya dahil kay James. Kagabi ay napilitan siyang puntahan ito dahil mukhang sinapian na naman ng masamang ispirito. Ayaw niya pa sana umuwi dahil talagang natutuwa siya makipagkwentuhan sa pamilya ni Kevin. Sobrang bait kasi ng mga ito. Down to earth pa, sa kabila ng karangyaan ay walang kaarte-arte. Nakaramdam nga siya ng inggit sa dalawang babae. Sina Clara at Sandra, halata kasing mahal na mahal ang mga ito ng mga asawa. Magpitong-buwan na ang tiyan ni Clara habang si Sandra naman ay magdalawang-buwan. Naalala niya pa ang naging usapan nila na talagang nagbigay sa kanya ng bagong ideya sa ibig sabihin ng 'pag-ibig'. "Hindi ko nga akalain na ma-i-inggit itong best friend ko at talagang sinundan na

