Nagdesisyon si Ada na puntahan si Kevin sa opisina nito. Kanina pa kasi niya ito tinatawagan pero hindi sumasagot. Nag-chat din siya pero kahit seen, wala. Nag-aalala tuloy siya. Pero narinig niya kanina na nakita ito, ibig sabihin ay nandito na si Kevin sa Batangas. Pagkabukas ng elevator ay malalaki ang hakbang na tinungo niya ang lamesa ni Yonna. Wala ito sa table nito kaya napalingan-linga siya. Exclusive for Ceo lang ang floor na 'yun kaya wala pala siyang ibang makikita dun. Nagtatalo ang isip kung didiretso ba sa opisina ni Kevin o tatawagan na lang si Yonna. Bago pa siya makapagdesisyon ay bumukas ang pinto ng opisina ni Kevin at iniluwal si Yonna. "Hi Yonna, nandyan ba si Sir Kevin?" nakangiti niyang tanong. Mag-si-sir muna siya baka ano na naman sabihin nito. "Wala siya ri

