Maagang nakarating si Kevin sa Batangas. Hindi naman siya excited na makita si Ada. Kaya naman alas-siyete pa lang ng umaga ay nasa kanyang opisina na siya. Prente siyang nakaupo sa kanyang swivel chair, nakataas ang dalawang paa sa lamesa. Habang pinagmamasdan ang larawan ni Ada. Isa 'yung stolen shot habang masaya itong nakikipaglaro sa mga babies nila. Napangiti siya ng maalala na naman ang kanilang mga babies. He thinks they need to visit them. Balak niya sanang puntahan na ito kaso masyado pang maaga kaya napagdesisyunan niyang puntahan ito maya-maya para sabay silang mag-breakfast. Hindi na niya kaya pang maghintay hanggang lunch. Kaya ng sumapit ang seven-thirty ay tumayo na siya. Lumabas siya ng kanyang opisina. Kapwa pa silang natigilan ng secretary niya. Ito ang unang nakab

