"Thank you for staying beside Kevin. You really a big help, iha," nakangiting sambit ni Tita Leila kay Ada. Kasalukuyan sila nakaupo sa may nakahilerang upuan na naroroon sa burol ng anak nina Clara. Huling lamay na ito at bukas ay ililibing na. At hindi na muna siya bumalik ng Batangas dahil nakiusap si Kevin na samahan muna siya. Wala naman siya magagawa dahil nagdesisyon na ito at ayaw niya rin naman na iwanan ito. "Wala po 'yun, tita." Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya. "Ngayon ko lang ulit nakita 'yung kislap sa mga mata ni Kevin pagkatapos ng aksidente." Nang marinig ang salitang 'aksidente' ay binigay niya lahat ng atensyon rito. May gusto lang siya malaman. "A-ano pong aksidente?" inosente niyang tanong. "Mag-da-dalawang taon na nang maaksidente si Kevin sa Ba

