Isang linggo ang lumipas mula ng mangyari ang aksidente na ikinamatay ng pamangkin ni Kevin. Kinabukasan ay nagising rin si Clara pero tulad ng inaasahan, nagwala rin ito. Hindi matanggap ang sinapit ng munting anghel. Tatlong araw na binurol ang bata. Buo na ito, halata ngang kamukha ni Anthony. Pero kailangan tanggapin na wala na ito. Sa buong durasyon ng burol ay hindi siya iniwan ni Ada. Tinawagan niya si Mr. Tuazon at ipinaalam na magle-leave ito. Hindi sana papayag si Ada, dahil bago pa lang daw ito. Pero sino ba siya? Siya ang Ceo, kaya sino pipigil sa kanya? Napilitan lang umuwi ito dahil kailangan na sa trabaho at ayaw niya na abusuhin raw ang pagiging Ceo niya. Higit sa lahat ayaw niya daw ng matsismis na naman daw sila na ikinatawa na lang niya. "Wala ka bang balak sundan s

